'Parang eroplano:' Mangingisdang nakaligtas ikinwento ang nangyaring Abuyog landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Parang eroplano:' Mangingisdang nakaligtas ikinwento ang nangyaring Abuyog landslide

'Parang eroplano:' Mangingisdang nakaligtas ikinwento ang nangyaring Abuyog landslide

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 15, 2022 02:41 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Kuha ni Tany Dionesi

MAYNILA - Kabilang ang mangingisdang si Allen Melo sa mga nakaligtas nang biglang gumuho ang bundok sa Brgy. Pilar sa bayan ng Abuyog, Leyte, nitong Martes.

Nang bumagsak sa dagat ang gumuhong bahagi ng bundok, nagdulot ito nga mala-tsunaming alon.

Kwento niya, akala niya may papalapit lang na eroplano. Hindi niya inasahang ang narinig niya palang dagundong ay gumuguho nang bundok.

"Ang bilis ng lupa. Pagdating dito, pagbagsak dyan, 'yung malaking alon yun ang tumira dito sa amin. Ito na ang nangyari, lahat 'to ubos," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa pinakahuling tala ng Leyte Police Provincial Office, nasa 42 na ang kumpirmadong namatay, habang higit 100 pa ang nawawala na posibleng natabunan ng lupa o di kaya ay tinangay ng alon.

--Ulat ni Sharon Evite

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.