Ilang landslide survivor sa Abuyog sinubukang isalba ang mga gamit | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang landslide survivor sa Abuyog sinubukang isalba ang mga gamit

ABS-CBN News
Published Apr 14, 2022 07:06 PM PHT

Delikado man ang pagpunta sa natabunang barangay ng Pilar sa bayan ng Abuyog, Leyte, bumalik pa rin doon ang ilang mga padre de pamilya na nakaligtas sa landslide at malalaking along dala ng Bagyong Agaton.

Noong Miyerkoles, kahit may sugat ang paa at katawan, bumalik ang residenteng si Allen Melo para maisalba ang ilan nilang mga gamit.

Sinubukan niyang hanapin ang P30,000 niyang cash na naipon niya ng ilang taon sa pangingisda pero bigo siyang mahanap ito.

Nawasak din ng bagyo ang mga gamit niya sa pangingisda, kabilang na ang motor ng kanyang bangka.
Nawasak din ng bagyo ang mga gamit niya sa pangingisda, kabilang na ang motor ng kanyang bangka.
ADVERTISEMENT
"Mahirap maka-recover. Wala na, hindi ko na nakita ang bangka ko at saka makina," mangiyakngiyak na sabi ni Melo.

Pero sinubukan niya at ng 2 kapitbahay na mga mangingisda rin na isalba ang mga motor ng bangka na nahanap nila.

Umaasa silang gumana pa ang motor at makatulong para sa muling pagbangon ng kanilang kabuhayan.

Pangingisda ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga residente sa Barangay Pilar kaya hiling nila'y sana'y matulungan sila ng gobyerno na muling makapaghanapbuhay.

— Ulat ni Sharon Evite
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT