TIGNAN: Pagbaha dulot ng Bagyong Agaton sa Visayas | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIGNAN: Pagbaha dulot ng Bagyong Agaton sa Visayas

TIGNAN: Pagbaha dulot ng Bagyong Agaton sa Visayas

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Mga taong lumulusong sa baha sa bayan ng Dumarao, Capiz dahil sa pagdaan ng Bagyong Agaton nitong linggo. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.
Mga taong lumulusong sa baha sa bayan ng Dumarao, Capiz dahil sa pagdaan ng Bagyong Agaton nitong linggo. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.

MANILA - Ibinahagi ni Bayan Patroller Hernan Lee Hachuela sa social media ang kanyang mga kuhang larawan ng sitwasyon sa Brgy. Poblacion Ilaya, sa bayan ng Dumarao, Capiz bandang alas-8 Martes ng umaga.

Sa kanyang mga kuhang larawan, makikita ang pagbaha sa kalsada dulot ng Bagyong Agaton na nagresulta sa mga stranded na sasakyan at pasahero.

Makikita rin ang mga binahang terminal, establisyimento, kabahayan at sa mismong Dumarao Public Market na malapit lang sa kanila.

Pagbaha sa tapat ng Dumarao Passenger Terminal dulot ng bagyong Agaton. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.
Pagbaha sa tapat ng Dumarao Passenger Terminal dulot ng bagyong Agaton. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.

“Marami ng mga kababayan namin ang lumikas sa evacuation center. Mataas po kasi dito sa area namin pero sa ibang area malapit sa amin grabe na po ang baha," sabi ni Hachuela.

ADVERTISEMENT

Sa mga larawang pinadala ni Bayan Patroller Hachuela bandang alas-2 ng hapon, makikitang unti-unti nang humupa ang baha at nakunan niya ang pagdating ng rescue sa mga binahang bahagi at paghatid ng pagkain sa mga na-stranded.

Tulong-tulong hinihila ng ilang mga tao sa Dumarao, Capiz ang mga residenteng ayaw lumusong sa baha sa tapat ng Dumarao Public Market. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.
Tulong-tulong hinihila ng ilang mga tao sa Dumarao, Capiz ang mga residenteng ayaw lumusong sa baha sa tapat ng Dumarao Public Market. Courtesy: Hernan Lee Hachuela.

“Dito po sa Market, na-rescue na po, iyong ibang part po nang Dumarao, hindi pa. Marami din dito po ang may kailangan ng pagkain at tubig sa mga na-stranded at nag-evacuate,“ sabi niya.

Ayon sa PAGASA, namataan ang Bagyong Agaton malapit sa Llorente, Eastern Samar na may lakas ng hangin na nasa 45 kilometers per hour.

Nakataas pa din ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang lugar. Nagbabala ang PAGASA sa patuloy na pagbaha at landslide sa mga high-risk area.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.