Mga mananampalataya dagsa sa mga simbahan ngayong Palm Sunday | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mananampalataya dagsa sa mga simbahan ngayong Palm Sunday

Reiniel Pawid,
ABS-CBN News
Published Apr 10, 2022 09:04 AM PHT
|
Updated Apr 10, 2022 06:36 PM PHT

MAYNILA — Matapos ang 2 taong pagkakaroon ng limitasyon dahil sa COVID-19 pandemic, balik-simbahan ngayong Linggo ang maraming mananampalataya para gunitahin ang Palm Sunday, hudyat ng pagsisimula ng Holy Week.

Ipinagdiriwang sa Palm Sunday o Linggo ng Palaspas ang matagumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem.

Sa Maynila, dagsa ang mga mananampalataya sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo para sa mga Misa.

Dahil patuloy ang banta ng COVID-19, nagpapatupad pa rin ng health at safety protocols sa simbahan, kasama ang pagpapatupad ng "one seat apart" at pagsusuot ng face mask.

Alas-4 ng madaling araw nagsagawa ng concelebrated mass sa Quinta Market habang tatakbo naman ang morning Mass sa simbahan alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng umaga. May mga Misa rin mula alas-12:15 ng tanghali hanggang alas-7 ng gabi.

Sa kabila ng maluwag na restrictions, hinikayat pa rin ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto na tunghayan ang mga online Mass sa kanilang Facebook page.

Bukod sa Quiapo Church, dagsa rin ang mga mananampalataya sa St. Peter Parish at Sacred Heart of Jesus Parish sa Quezon City.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT