Nanlaban umanong high-value target patay sa Camarines Sur buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 09 2021 06:01 AM

Kuha ni PSMS Allan Azuela, Pili MPS

PILI, Camarines Sur—Nasawi ang isang 43-anyos na lalaking high-value target matapos umano manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Barangay San Agustin sa bayang ito Huwebes.

Nauwi sa barilan ang buy-bust operation sa Sitio Pagasa matapos una raw magpaputok ng baril ang suspek na si Ronitz Ybanez sa mga pulis.

Mahigit P1.5 milyong halaga ng shabu ang umano'y narekober ng pulisya sa buy-bust.

Bukod sa dalawang pakete ng droga, narekober din ang ginamit umano ng suspek na .38 caliber revolver, ilang bala, basyo, glass pipe, personal na gamit at driver’s license nito.

Ayon sa pulisya, klasipikadong high-value individual si Ybanez, na malawak umano ang operasyon ng droga sa lalawigan. —Ulat ni Jonathan Magistrado

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.