Retiradong pulis at kasamang babae, timbog sa droga sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2021 11:33 PM | Updated as of Apr 06 2021 11:34 PM

Tiklo ang isang retiradong pulis at kasama niyang babae sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Rafael, Tarlac City nitong Martes.

Ayon sa Police Regional Office-3, nasa 28 sachet ng hinihinalang shabu umano ang nahuli mula kay Lorenzo Jacob, ang retiradong pulis, at kasama niyang babae na hindi pa pinangalanan.

Higit-kumulang 35 gramo ang bigat ng naturang kontrabando at hindi bababa sa P238,000 ang halaga nito.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.