ALAMIN: Ilang ligtas tips para sa mga bibiyahe sa Semana Santa 2022 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ilang ligtas tips para sa mga bibiyahe sa Semana Santa 2022

ALAMIN: Ilang ligtas tips para sa mga bibiyahe sa Semana Santa 2022

ABS-CBN News

Clipboard

Naghahandang mag-board sa domestic flight ang ilang biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sa Pasay City, Abril 7, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News 
Naghahandang mag-board sa domestic flight ang ilang biyahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 sa Pasay City, Abril 7, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News


MAYNILA - Kasabay ng pagbaba ng COVID-19 cases at pagluluwag ng travel restrictions, inaasahan ng Philippine National Police na marami ang uuwi sa probinsiya ngayong Semana Santa.

Ayon kay Metro Manila police spokesperson Police Lt. Col Jenny Tecson, hindi bababa sa 1,000 pulis ang ipapakalat sa transportation hubs, simbahan at ibang tourist destinations sa capital region.

Bukod dito, makikipag-ugnayan din sila sa ilang barangay at subdivision officials.

"Upang sa gayun ay puwede pong pasukin ng ating kapulisan through mobile patrolling or foot patrol, iyong mga lugar na kung saan iyong ating mga kababayan ay uuwi dahil ayaw natin na habang wala sila ay puwedeng mapasok iyong kanilang mga bahay ng mga kawatan," ani Tecson.

ADVERTISEMENT

Nagpaalala ang pulisya sa mga babiyahe na sa pagbabalik ng tila normal na galaw tuwing Semana Santa, asahan din ang mga mananamantala.

Anila, siguruhing nakasarado ang mga bintana at nakakandado ang pintuan at gate ng bahay bago umalis.

Kung maaari, ipagbilin din ang bahay sa pinagkakatiwalaang kamag-anak o kapitbahay.

Makakatulong din ang pagladlad ng kurtina para hindi masilip ang loob ng bahay at iwasang mag-post nang real-time sa social media nang hindi malaman ng iba kung nasaan sa Semana Santa.

"'Wag mag-post sa social media na sila’y aalis na parang iaannounce nila na walang tao sa bahay nila... Baka 'yung mga kapitbahay o yung ibang pagala-gala diyan, nalaman at ika nga friends sila sa social media, wag na lang, para 'di tayo malusutan ng akyat bahay gang," ani PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo.

Kung babiyahe sa mga terminal, pier, at paliparan kasama ang mga bata, dapat siguruhing hawak ng mga ito ang contact information. Dapat din silang turuan kung ano ang gagawin kung sakaling magkahiwalay dahil sa dami ng tao.

Ihanda rin ang mga ipipresentang tiket, vaccination card at iba pang requirement.

"Iwasan na po magdala ng pera, 'yung mga alahas, itago na lang muna siguraduhin na iingatan ang gamit. 'Pag makapal ang bugso ng tao, and'yan [ang] magnanakaw at mandurukot," ani Fajardo.

Kung magdadala ng sariling sasakyan, dapat alalahanin ang "BLOWBAGETS" o brake, lights, oil, water, battery, air, gas, engine, tire, at self.

Samantala, nagbabala naman ang tourism department na mananagot ang mga establisimyentong lalabag sa itinakdang health and safety protocols.

"[Tandaan ang] wearing of the mask, laging maghugas ng kamay, and syempre stick to your bubble... When you travel, stick to the people you’re with," ani Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.