PatrolPH

Maynila handa na ang seguridad para sa Semana Santa 2022

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2022 02:43 PM

Sitwasyon sa Quiapo Church sa Maynila matapos ang isang misa noong Marso 11. Ikinakasa na ng Manila police ang ilang plano para sa Semana Santa ngayong niluluwagan na ang ilang COVID-19 restrictions. George Calvelo, ABS-CBN News
Sitwasyon sa Quiapo Church sa Maynila matapos ang isang misa noong Marso 11. Ikinakasa na ng Manila police ang ilang plano para sa Semana Santa ngayong niluluwagan na ang ilang COVID-19 restrictions. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA - Kasado na ang ilang security plans ng Manila Police District sa lungsod ilang araw bago ang Semana Santa. 

Ayon sa MPD, magpapakalat sila ng 400 dagdag pang pulis sa mga matataong lugar gaya ng mga simbahan, train station, bus terminal at paligid ng mga mall. 

Watch more News on iWantTFC

Ayon kay Police Maj. Philipp Ines, tagapagsalita ng MPD, dadagdagan din nila ang puwersa ng mga magpapatrolya, mga magsasagawa ng checkpoint at maglalagay din ng police assistance desk kung saan maaaring humingi ng tulong ang publiko.

Wala naman aniyang namomonitor sa ngayon na banta sa seguridad sa lungsod pero hindi aniya sila nagpapakakampante.

Paalala ng MPD sa publiko, sa mga may planong umuwi ng probinsya, na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe.

Tiyaking nakalock ng maayos ang mga pintuan at gate ng bahay, at kung maaari ibilin sa mapagkakatiwaalang kapitbahay o kamag-anak ang bahay.

Nananawagan ang MPD sa publiko na mag-doble ingat pa rin, sumunod sa safety protocols, maging alerto at ireport ang anomang kahinahinalang insidente.

Inaasahan na dadami ang dagsa ng mga tao ngayong naka-Alert Level 1 ang Metro Manila sa gitna ng banta ng COVID-19. 

-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.