SK chairman, nars timbog sa droga sa Nueva Ecija; 2 iba pa tiklo

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2021 03:04 AM

Tiklo ang 4 na suspek, kabilang ang isang SK chairman at isang nars, sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Nueva Ecija nitong Miyerkoles.

Inaresto ng mga awtoridad si alyas Ai, ang 22-anyos na aktibong SK chairman sa lungsod ng Gapan, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bayanihan.

Nakuha umano ang 5 sachet ng hinihinalang shabu mula sa kaniya.

Magkakasama namang inaresto ng mga awtoridad sa Cabanatuan City ang 32-anyos na nars na si alyas Anne, at 2 pang iba.

Nakuha sa tatlo ang 9 na sachet ng hinihinalang shabu at 2 stalk ng dried marijuana, na humigit kumulang P10,500 ang street value.

Inaaayos na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa lahat ng nahuling suspek. — Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.