Lalaking lulan ng sports car, arestado matapos lagpasan ang checkpoint sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 07 2021 08:41 PM

DAVAO CITY - Isang lalaking lulan ng sports car ang inaresto ng mga pulis at sundalo matapos hindi huminto sa checkpoint ng Task Force Davao sa Barangay Sirawan, Toril District, Davao City Miyerkoles ng umaga.

Hinabol pa ng mga awtoridad ang lalaki hanggang sa poblacion ng Toril district.

Base sa nakuhang ID, ang 30 taong gulang na lalaki ay assistant manager sa isang kumpanya sa Matina, Davao City.

Nakunan pa umano ito ng hinihinalang marijuana na nakalgay sa plastic.

Hindi rin makausap nang maayos ang lalaki, na tila wala umano sa tamang pag-iisip.

Ayon sa Task Force Davao, galing General Santos City ang lalaki at patungong Davao City.

Ikinulong sa Toril Police Station ang lalaki at inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

- ulat ni Hernel Tocmo

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.