'Dapat bang negative sa COVID-19 bago magpabakuna?' Eksperto sinagot ang ilang katanungan ukol sa bakuna | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Dapat bang negative sa COVID-19 bago magpabakuna?' Eksperto sinagot ang ilang katanungan ukol sa bakuna

ABS-CBN News
Published Mar 31, 2021 12:09 PM PHT
|
Updated Mar 31, 2021 12:14 PM PHT

MAYNILA - Umaarangkada na ngayon ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga senior citizen at mga may comorbidities. Pero sa tuloy-tuloy na vaccination program ng pamahalaan, marami pa rin ang may alinlangan kung sila ba ay maaaring makatanggap ng bakuna sa kabila ng pagkakaroon ng medical conditions.

Sa segment na Bakuna Muna sa programang Kabayan sa TeleRadyo, muling nagbigay kasagutan si Dr. Anna Ong-Lim, isang pediatric infectious disease expert at bahagi ng Technical Advisory Group ng Department of Health, sa mga katanungan ng maraming Pilipino hinggil sa pagbabakuna.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katanungang nailatag sa naturang programa.

MAAARI BANG MAGPABAKUNA ANG ALLERGIC SA NSAID (PAIN RELIEVE MEDICATIONS) NA MGA GAMOT AT ANG MAY KONDISYON NA POLYCYTHEMIA VERRA BUDD CHIARI SYNDROME:
“The answer to both the questions is yes. Yung allergy to NSAID does not translate to vaccines pero babanggitin niya dapat ito doon sa screening para masubaybayan siya post vaccination. Tapos, yung polycythemia is a blood disease pero hindi naman ito bawal for so long as the patient has good general health and of course, ime-mention din sa screening para masubaybayan.”

50 PERCENT LANG BA ANG PROTEKSIYON KUNG FIRST DOSE LANG NG BAKUNA KONTRA COVID-19 ANG MERON KA:
“Merong kaniya-kaniya value per vaccine and depende din doon sa population group na bibigyan. The bottom line is, kung ang bakunang iyon ay designed to be given as two doses, kailangang kompletuhin yung dalawang doses.”

NAGSIMULA NA ANG PFIZER, ASTRAZENECA AT MODERNA NG TRIAL SA MGA BATA, GAANO KATAGAL ITO BAGO MASABING ADVISABLE NA ITUROK SA MGA BATA:
Siguro reasonable to expect the earliest data to come in next year. Matagal ang pag-aaral sa mga bata lalo na vulnerable population. Pangalawa, yung urgency to protect them at this point hindi naman sin-tindi kumpara sa urgency to protect the elderly and healthcare populations and those with comorbidities. I’m sure they will proceed cautiously with these studies.”

KAILANGAN BANG MAGKAROON MUNA NG NEGATIVE SWAB TEST BAGO MABAKUNAHAN:
“The answer is no. Itong mga bakuna na ito ay tinatawag na inactivated, hindi kokontrahin nung bakuna yung antibodies na expected natin nasa katawan kung tayo ay galing sa sakit o kasalukuyang nagkakasakit at hindi niya patitindihin ang sakit kung saka-sakaling at that time ikaw ay asymptomatic o nagiincubate na.”

PWEDE BA ANG BAKUNA KONTRA COVID SA MAY EPILEPSY:
“The answer is yes. As a reminder to everybody, kung ikaw ay in good general health kahit may maintenance meds pero you’re functional on a daily basis, nakakapagtrabaho, nakakapag-aasikaso ng mga gawain sa bahay, hindi ka nakaratay, you generally will qualify to have the vaccine.”

ANG MGA MAY HEMOPHILIA PWEDE BANG MABAKUNAHAN:
“Sa special group yan. Ang may hemophilia pwede silang duguin for any stimulus kahit maturukan lang sila ng kahit anong injection pwede silang magkaron ng excessive bleeding kung saan sila tinurukan. Hindi yung bakuna mismo, kung ‘di yung proseso ang magiging problema. Kung identified naman na hemophiliac ang pasyenteng ito please consult with a hematologist para masigurong nasa magandang level yung bleeding parameters bago magpabakuna.”

ANG MAY SPINAL CORD INJURY, PWEDE DIN MAGPABAKUNA:
“Kung stable naman ang medical condition na yan, hindi siya kasalukuyang nag kritikal, pwede siyang magpabakuna.”

MAY OVARIAN CYST PWEDE RIN BA:
“Pwede rin po.”
“Pwede rin po.”
MAAARI BANG MAGPABAKUNA ANG MAY PAPILLARY CARCINOMA:
“Yung bakunang buhay ang laman, yung live vaccines ang generally bawal sa may immunodeficiency tulad na lang ng nagki-chemotherapy, may HIV, pero once again, itong mga bakunang ginagamit natin sa COVID, inactivated therefore can be received even by those with immunodeficiencies.”

ANG NAKA-EUTHYROX MAINTENANCE PWEDE BANG MAGPABAKUNA?
“It’s a thyroid medication pang control ng hypothyrodism, so pwede po.”

ANG MAY ALLERGIES SA ANTIBIOTICS/GAMOT PWEDE BANG MAGPABAKUNA:
“Pwede rin po. Yung medyo talagang may caution lang yung nagkaroon ng matinding allergy, yung tinatawag na anaphylaxis yung hirap sa paghinga na dulot ng kahit na anong bagay. Kung ganun ang kondisyon mo in the past, please inform the screening area pagkapunta mo doon sa vaccination center para maabisuhan ka nang maayos kung gaano katagal ang observation period post vaccination.

Read More:
tagalog news
pagbabakuna
COVID vaccines
Philippines vaccination program
Bakuna Muna
TeleRadyo
Anna Ong Lim
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT