ALAMIN: Mga sakit na kailangan ng clearance bago magpabakuna kontra COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Mga sakit na kailangan ng clearance bago magpabakuna kontra COVID-19

ABS-CBN News
Published Mar 24, 2021 11:11 AM PHT
|
Updated Mar 24, 2021 11:33 AM PHT

MAYNILA - Tuloy-tuloy ang vaccination program ng pamahalaan para mabigyan ng proteksiyon ang publiko laban sa pagkalat ng nakahahawang COVID-19.

Pero may mga katanungan pa ring nais na masagot ang maraming Pilipino hinggil sa pagbabakuna.

Sa segment na “Bakuna Muna” sa programang Kabayan sa TeleRadyo Miyerkoles ng umaga, inisa-isa ni Dr. Minette Claire Rosario, isang infectious disease expert ng UERM Memorial Medical Center, ang pagbibigay-linaw hinggil sa katanungan kaugnay sa mga sakit na kailangan muna ng clearance mula sa mga doktor bago magpaturok ang pasyente ng bakuna kontra COVID-19.

“Sa health assessment checklist, may makikita doon na mga condition na kailangan ng clearance. 'Yan po 'yung sinasabing may ibang medical condition, immunocompromised o nakakapambaba ng panlaban ng ating katawan,” sabi ni Rosario.

MGA SAKIT NA KAILANGAN NG CLEARANCE MULA SA DOKTOR BAGO MAGPABAKUNA:
“Ang sinasabing mga kondisyon na 'yun, 'yung merong may cancer kasi kailangan natin malaman kung may tinatanggap silang chemotherapy or gamot para doon sa kanilang cancer na kondisyon. May timing po kasi 'yan doon sa pagpapabakuna. Kung tumatanggap siya ng chemotherapy kailangang ipaliwanag na pag masyadong malapit ang pagtanggap ng bakuna doon sa chemotherapy niya, halos mapapawalang-bisa 'yung bakuna."

"Meron din mga pasyenteng may autoimmune disease, may mga lupus po o 'yung mga transplant patients pati po 'yung pasyenteng may HIV, pwede naman pong tumanggap ng bakuna pero kailangan ng clearance in the sense, kailangan nating malaman ano ba 'yung status ng kanilang karamdaman. Technically, dapat stable.”

MGA BUNTIS AT NAGPAPASUSO:
“Pwede naman po. Ang requirement po, may guidelines na inilabas ang Philippine Obstetrical and Gynecology Society na 'yung bakuna pwede naman by second term po ng pregnancy. Tapos 'yung nagpapa-breastfeed pwede namang tanggapin 'yung bakuna.”

DIALYSIS PATIENTS:
“Opo, karaniwang gusto nating i-check sa mga pasyenteng nagda-dialysis kasi nga may mga pag-aaral na 'yung mga may medical condition mas grabe ang epekto ng pagkakaaroon ng COVID sa kanila so gusto nating mabakunahan din sila.”

ANG MAY CEREBRAL PALSY:
“Pwede rin po, kailangan lang ng clearance kasi minsan meron din silang mga gamot na tinatanggap o kaya mismong kalagayan nila masyado silang parang frail o nanghihina o 'yung nourishment importante din sa status ng pagtanggap ng bakuna.”

MGA GUMAGAMIT NG STEROIDS:
“Yang ang isang kondisyon na nagpapababa kasi ng panlaban ng katawan so gusto natin pinakamababang dose ng steroids na tinatanggap, tapos ulit gaano na ba katagal. Importante sa timing sa pagbakuna.”

MAY SAKIT NA ALPHA THALLASEMIA?
“Kondisyon siya sa dugo parang genetic change sa mismong DNA o protein sa katawan pero hndi po siya contraindicated, ibig sabihin pwede naman pong tumanggap ang pasyente na may Alpha Thallasemia, ng bakuna.”

DATING NAGKAROON NG ADVERSE EFFECT SA BAKUNA:
“Assume natin na tumanggap siya ng bakuna nung bata. Usually naman po allergic reaction 'yan. Pag ganun po ang sinasabi sa tanong, kailangan po ng clearance sa espesyalista sa allergy.”

MGA PASYENTENG MAY RHEUMATOID ARTHRITIS AT MAY GAMOT NA PANG SUPPRESS ANG IMMUNE SYSTEM PARA MAKONTROL ANG KONDISYON:
“Yan po ang isang importante na may clearance kasi nga po 'yung timing nung pagtanggap ng bakuna at 'yung klase ng gamot na tinatanggap niya para doon sa rheumatoid arthritis may kaakibat na panahon kung kailangan niya pwedeng matanggap yung COVID-19.”

MGA PASYENTENG PSORIASIS:
“Opo, condition siya sa balat. Ang mga pasyenteng may psoriasis binibigyan din ng gamot tulad ng steroids o mas malakas na klase ng pampababa ng system so kailangang din po 'yan ng clearance. Ang gusto lang natin sa clearance ay malaman kung stable ang disease.”

MAY SAKIT NA TAKAYASU DISEASE AT NA-STROKE NA NOONG SUMAILALIM SA AORTIC BYPASS:
'Yung mga medical condition niya ito po 'yung sinasabi, lolo na 'yun condition niya sa heart, 'yan po yung isa sa mga condition na recommended na makatanggap ng bakuna. Yes, pwedeng magpabakuna, mas maganda may clearance doon sa vaccination site.”

KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
COVID-19
vaccination program
mga sakit na kailangan ng clearance
pagbabakuna
TeleRadyo
Bakuna Muna
Minette Rosario
infectious disease expert
coronavirus
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT