Quarantine facilities sa Pasay halos puno na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Quarantine facilities sa Pasay halos puno na

Quarantine facilities sa Pasay halos puno na

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Halos puno na ang 223 quarantine facilities sa Pasay City dahil sa pagtaas ng bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19 sa lungsod, sabi ngayong Martes ni Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Dahil dito, humingi umano ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng dagdag na quarantine facilities mula sa Oplan Kalinga, ang mga isolation facility ng gobyerno.

Bukod sa quarantine facilities, 107 porsiyento naman nang okupado ang COVID-19 ward ng Pasay City General Hospital.

Nasa 32 lang ang COVID-19 bed ng ospital pero 34 na ang naka-admit, kung saan 8 ang severe o critical case habang 26 ang moderate.

ADVERTISEMENT

Patuloy naman umanong tumatanggap ang emergency room ng ospital ng mga non-COVID patient.

Sa huling tala, umabot na sa 10,255 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay, kung saan 898 ang active cases o may sakit pa rin.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang disinfection sa lungsod, kung saan nag-iikot ang mga firetruck sa mga barangay para linisin ang mga kalye.

Nasa 121 barangay ang localized community quarantine habang 454 kabahayan ang naka-lockdown.

Isa ang Pasay sa mga lungsod sa Metro Manila na nakapagtala ng maraming bagong kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang linggo. Doon din naitala ang ilan sa mga unang kaso ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng coronavirus.

– Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.