Localized community quarantine sa Pasay City, nagpapatuloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Localized community quarantine sa Pasay City, nagpapatuloy

ABS-CBN News
Published Mar 10, 2021 11:52 AM PHT
|
Updated Mar 10, 2021 01:10 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA - Nagpapatuloy ang localized community quarantine sa Pasay City dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Nasa 25 na mga barangay ang natanggal sa listahan ng quarantine pero 60 na iba pa ang nasa ilalim pa rin ng localized community quarantine.

Ayon sa Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit, 53 na mga bahay ang naka-lockdown dahil sa mga kaso ng COVID-19 sa loob ng bahay.

Nilinaw ng lokal na pamahalaan na hindi naman buong barangay ang naka-lockdown. Ang iba ay bahay o kalsada lang na apektado. Gayunpaman, buong barangay pa rin ang kailangang maghigpit sa pagpapatupad ng mga health protocol.

Sa Barangay 183 na malapit sa airport, may 22 na active cases sa barangay, ang pinakamarami sa buong Pasay, kaya extended ang localized quarantine doon hanggang Marso 17.

Kailangang gumamit ng quarantine o gate pass ang mga residente at kailangan rin magpakita ng COVID-free health certificate ang lahat ng construction workers o laborers na papasok sa barangay.

Ang mga delivery riders naman ay makakapasok na sa barangay. Kailangan lang nilang sumagot sa health declaration form, mag-iwan ng ID sa checkpoint at dapat nasa 30 minuto lang sila sa loob ng barangay.

May 515 active cases ng COVID-19 sa buong Pasay at 97 agad ang bagong kaso.

- TeleRadyo 10 Marso 2021
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT