Mga simbahan binalaang isasara kung magmimisa sa gitna ng restrictions | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga simbahan binalaang isasara kung magmimisa sa gitna ng restrictions

Mga simbahan binalaang isasara kung magmimisa sa gitna ng restrictions

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Nagbabala ang gobyerno sa Archdiocese of Manila na ipasasara ang mga simbahan oras na ituloy nito ang planong magdiwang ng misa at iba pang religious gatherings ngayong Semana Santa.

Ito ay matapos igiit ni Bishop Broderick Pabillosa sa sulat na inilabas ng Archdiocese of Manila na magkakaroon pa rin ng religious worship sa loob ng mga simbahan nang hanggang 10 porsiyentong maximum Church capacity - kabilang ang mga misa sa Miyerkoles Santo at mga misa sa Linggo ng Pagkabuhay - habang nangangakong magiging estrikto sa pagsunod ng health protocols.

"But within our churches starting March 24 we will have our religious worship within 10 percent of our maximum church capacity. Let the worshippers be spread apart within our churches, using the health protocols that we have been so consistently implementing," ani Pabillo sa dokumentong inilathala sa Facebook page ng Archdiocese of Manila Office of Communications.

Nauna nang ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force ang lahat ng mass gatherings, pati na ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng "NCR Plus" Bubble - mula Marso 24 hanggang Abril 4, sa harap ng pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Babala pa ng Palasyo kay Pabillo, huwag hikayatin ang publiko na suwayin ang regulasyon ng IATF.

ADVERTISEMENT

"So we understand that this is Holy Week, I hope the bishop will not encourage non-compliance with this IATF decision," ani Presidential Spokeman Harry Roque.

Pero sa kaniyang Pastoral Visit on Air sa programang "Simbayanan" ng Radio Veritas, iginiit ni Pabillo na nilabag ng IATF ang religious freedom at ang separasyon ng simbahan at gobyerno.

"So, diyan mali na sila at hindi dapat tayo sumunod sa ganiyang pamamalakad na walang konsultasyon and it somehow breaks the separation of church and state, sila ang nagse-separate ngayon," ani Pabillo.

"Kaya tuloy tayo sa ating activities. Limited na mayroon tayong social distancing, tuloy tayo sa ating online activities, ini-encourage natin pero kung sinong faithful na gustong um-attend within our limits at tayo ang magli-limit sa loob ng simbahan natin, hindi sila, ipagpapatuloy natin," ani Pabillo.

Sagot naman ng Malacañang, hindi mag-aatubili ang gobyerno na ipasara ang mga simbahan.

"Defiance to IATF protocols is not covered by the separation of Church and State. In the exercise of police powers, we can order the churches closed, 'wag sanang dumating doon, Bishop Pabillo. Wala po tayong makakamit na kahit anong objective if you will defy and you will force the State to close the doors of the Church," ani Roque.

Umani rin ng kaliwa't kanang batikos ang IATF mula sa ilang mambabatas na panukala ngayon ang pagbuwag sa IATF sa gitna ng hindi mapigilang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

"So why don't we go back and establish a core group that's really qualified for policy and thereafter start consulting LGUs na 'yun pala babagsak din pala sa kanila ang trabaho para sa implementation? So we should bring them on and higit sa lahat, 'yung private sector," ani Senador Imee Marcos.

Pero hirit ng Malacañang, hindi dapat isisi sa IATF ang pagtaas ng bilang ng mga nahahawahan ng sakit.

"Tanggapin natin o hindi nag-mutate ang mga virus. Hindi naman po siguro kasalanan ng IATF na nag-mutate ang mga virus sa pamamaraan na mas nakakahawa sila," ani Roque.

Ipinagtanggol naman ng ilang local officials ang IATF.

Ayon sa Palasyo, nananatiling bukas ang pandemic task force sa mga panukala ng taumbayan para makontrol ang pandemya sa bansa.

-- Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.