San Juan City Mayor handa nang magbalik-trabaho matapos maranasan ang COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

San Juan City Mayor handa nang magbalik-trabaho matapos maranasan ang COVID-19

San Juan City Mayor handa nang magbalik-trabaho matapos maranasan ang COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Handa nang bumalik sa trabaho si San Juan City Mayor Francis Zamora matapos magpositibo sa COVID-19.

“Huling araw ng quarantine ko ngayon. Officially, my 14th day of quarantine at bukas po ay ako po ay makakatanggap ng clearance mula sa aking doktor that I can be reintegrated back into the community,” ayon kay Zamora.

Sa panayam sa TeleRadyo, sinabi ni Zamora na nanatili siyang asymptomatic sa loob ng kaniyang 14-araw ng pag-quarantine.

“I just had to undergo the quarantine sapagkat ang asawa ko isang cancer survivor kung kaya pinili kong lumipat sa ospital mula sa aking tahanan sapagkat ayaw kong mahawa siya o kung sino mang miyembro ng pamilya ko, lalong-lalo na yung komunidad ko. Mas mabuti nang manatili ako sa ospital habang ako po ay nagtatapos ng quarantine,” sabi ni Zamora.

ADVERTISEMENT

Nagpositibo sa virus si Zamora noong Marso 1 matapos sumailalim sa swab testing noong Peb. 28. Nang malaman niyang positibo ang resulta ng swab test, agad din niyang ipina-test ang mga kasama sa bahay at kaniyang staff.

“So far, wala namang nag-positive sa aking household, pati sa aking staff. Ang hirap malaman kung saan ako nahawa sapagkat araw-araw, simula last year, it's been one year simula ng nilalabanan natin ang COVID, tuloy-tuloy ang ating trabaho araw-araw. Kailanman ‘di tayo tumigil sa pag-ikot,” sabi niya.

Pero kahit nasa ospital ay patuloy naman aniya siya sa pagtatrabaho at pagmo-monitor ng kanilang COVID-19 interventions sa lungsod.

Sa kaniyang pagbalik, una umanong gagawin ng alkalde ay ang mag-ikot para inspeksiyonin ang mga pagsunod sa ipinatutupad na mga ordinansa ng lungsod kontra COVID-19.

Isa ang San Juan City sa nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila. Base sa alkalde, 30 lamang ang kanilang active cases nung Peb. 17. Dumoble ito at naging 63 noong Marso 1 pero malaki ang itinalon ng number noong Marso 12 kung saan ang bilang ng active cases nila ay umabot sa 215.

Nagpaalala din si Zamora na panatilihin ang minimum health protocols dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad