Mayor Degamo, umaasang makamit ang agarang hustisya para sa nasawing asawa, 8 pang biktima | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mayor Degamo, umaasang makamit ang agarang hustisya para sa nasawing asawa, 8 pang biktima

Mayor Degamo, umaasang makamit ang agarang hustisya para sa nasawing asawa, 8 pang biktima

ABS-CBN News

Clipboard

Police cordon off the the home of Negros Oriental Gov. Roel Degamo in Barangay San Isidro, Sto. Nuebe in Pamplona after he was shot by still unknown assailants on March 4, 2023. 📷: Philippine National Police
Police cordon off the the home of Negros Oriental Gov. Roel Degamo in Barangay San Isidro, Sto. Nuebe in Pamplona after he was shot by still unknown assailants on March 4, 2023. Philippine National Police

Umaasa si Pamplona Mayor Janice Degamo na mabigyan ng agarang hustisya ang pinaslang na asawa nitong si Negros Oriental Gov. Roel Degamo at ang walo pang nasawi sa nangyaring pamamaril sa tahanan nito noong Marso 4.

Itinuturo naman ng alkalde na sanhi ng pagkamatay ng gobernador ang mga "malalaking tao" sa likod ng mga krimen sa Negros Oriental dahil, aniya, kahit pa noong buhay pa ang gobernador, problema na nila ito sa kanilang lugar.

"'Yung patayan dito sa Negros Oriental... it has been our struggle. Pwede niyong tingnan sa Senate na bago pa mangyari ang lahat ng ito, may na-file ang mga victims of murder, land grabbing doon sa Senate [at] ako ang sumulat on their behalf. May resolution 'yun galing kay Sen. Ronald Dela Rosa pero naabutan siguro ito ng eleksiyon kaya hindi na-pick up," ayon sa alkalde sa kaniyang panayam sa Omaga-Diaz Reports sa TeleRadyo.

Para kay Degamo, maaari sanang naagapan ang pagpatay sa kaniyang asawa kung napansin agad ng gobyerno ang kanilang hinaing.

ADVERTISEMENT

"Kung napansin lang sana agad, it could have prevented this thing. Kasi malala na po... 'yung iba hindi pa rin makapaniwala sa kakayahan ng mga ito. Nagkakaroon ng media blackout and 'pag 'yung mga pangalan nila ang sinasabi, the people [are persuaded not to talk because] madidisgrasya [sila]."

"Si Gov. naman kasi parang will never answer violence with violence kasi parati niyang sinasabi 'we will be destroying our community kung we match violence with another violence' kaya nga noong time na 'yun, we strive hard na sana talaga ma-call 'yung attention ng national government," pagpapatuloy ni Degamo.

Sa hiwalay sa panayam sa TeleRadyo, kinumpirma ni Dela Rosa na isa siya sa mga nanguna sa pagsagawa ng tinutukoy na resolusyon ni Mayor Degamo at aniya'y ang naturang resolusyon ay naglalaman ng mga rekomendasyon sa law enforcement officials pati sa Commission on Human Rights (CHR) kung ano ang maaaring gawin para mabigyang pansin ang hinaing nina Degamo.

"We encouraged the CHR to field more human rights investigators doon sa Negros Oriental to address the investigative requirements of said killings... at 'yung ating mga kapulisan ang talagang directly addressed doon na aside from resolving the case, they should do proactive actions by deploying more personnel sa area," ani Dela Rosa.

Dagdag ni Dela Rosa, ipinasa ng komite ang naturang resolusyon at mayroong panahon na "wala na tayong narinig na killing... 'yun nga lang biglang pumutok itong balita na si Gov. Degamo na ang mismong namatay."

Sa kabila naman ng nangyari, nagpapasalamat pa rin ang alkalde na naramdaman nilang "hindi sila nag-iisa sa panahong ito."

"People come and offer their condolences with us... talagang 'yun ang kailangan namin kasi we are far too small to encounter this giant online sabong gambling lords, drug lords at iba pa... ang nakakasama lang ng loob ko is it has to really cost the life of the governor," ani Degamo.

HARSH PROBLEMS REQUIRE HARSH SOLUTIONS

Para kay Sen. Dela Rosa, dapat magkaroon ng proactive approach ang Philippine National Police (PNP) para maagapan ang iba pang politically-motivated killings sa bansa.

Makakamit umano ito kung magkakaroon ng "one-strike policy" ang kapulisan kung saan tatanggalin agad ang mga opisyal ng PNP sa isang lugar kung magkaroon ng political killing doon.

"Kung ako ang chief PNP ngayon, lahat ng chief of police, provincial director, at regional director, kapag may political killings sa area ninyo, isang pangyayari lang tanggal kayo. Tingnan natin kung hindi magsumikap 'yang mga 'yan na magiging proactive sa kanilang policing approaches."

"Magsusumikap talaga 'yang mga 'yan wala namang gustong matanggal dahil kung matanggal ka dahil dyan, it shows your inefficiency and ineffectiveness. Kung kinakailangan natin ng kamay na bakal, gamitin natin ang kamay na bakal as long as it is within the bounds of the law," ani Dela Rosa.

Para sa senador, maaaring ito rin ang paraan upang mapigilan ang pagre-recruit umano ng mga opisyal ng gobyerno sa mga dismissed law enforcement personnel para sa kanilang private army.

"Kung marinig nila (PNP) na may government official na may mine-maintain na mga hitman, may mine-maintain na mga tirador, upakan na nila agad. Upakan na 'wag na maghintay pa na gagawa pa ang mga ito ng krimen... It takes harsh words or harsh policies in order to address harsh situations. Harsh situations call for harsh response," ayon kay Dela Rosa.

Inirekomenda rin ng naturang senador na dapat i-monitor ng mga law enforcement agencies ang mga dismissed personnel nito para mabilis na matunton ang mga ito sakaling magkaroon muli ng mga kasong tulad kay Gov. Degamo.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.