PatrolPH

2 bata, patay sa sunog sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at Mar 11 2023 04:55 PM

Courtesy: Mandaluyong CDRRMO
Courtesy: Mandaluyong CDRRMO

MAYNILA – Patay ang dalawang bata sa sunog sa residential area sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City nitong Sabado.

Ayon kay Senior Fire Officer 3 Alvic Alabastro, ang fire investigator-on-case, nasa edad 5 at 8 ang dalawang magkapatid na lalaki na sinasabing naiwan at na-trap sa loob ng nasusunog na bahay.

Hindi pa makapagbigay ng buong detalye si Alabastro sa insidente at iimbitahan pa umano ang magulang ng mga bata para magbigay ng salaysay.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, sumiklab ang sunog bandang alas-7 ng umaga sa ikalawang palapag ng 3-storey makeshift house sa Block 37 Extension.

Umabot ito ng unang alarma at tumagal ng higit isang oras.

Nasa 30 pamilya sa 10 bahay ang naapektuhan apektado ng sunog at aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsala.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.