4 anyos patay sa sunog sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 anyos patay sa sunog sa Makati

4 anyos patay sa sunog sa Makati

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Patay ang isang apat na taong gulang na bata matapos ang sunog sa Makati, Biyernes ng madaling araw.

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Gen. Malvar St. sa South Cembo, Makati, kung saan tinatayang 28 bahay ang natupok.

Sa paunang imbestigasyon ng Makati BFP, itinaas ang unang alarma ng sunog pasado ala-1 ng madaling araw.

Agad na inakyat sa ika-3 alarma ang sunog at tuluyang naapula pasado alas-2 ng madaling araw.

ADVERTISEMENT

"Yung hydrant na malapit dito ay nag loose thread so hindi talaga siya nabuksan or nagamit agad kaya kinakailangan naming i-raise agad yung alarm from first second to third alarm para dumagdag yung other corresponding units. 'Pag ganun kasi ang case mahirap buksan mahirap lumabas ang tubig kung minsan nga wala pang lumalabas na tubig kaya kinakailangan i-raise ang alarm to third," ani SFO4 Judy Saberon ng Makati fire department.

Ayon sa Barangay Captain na si Eva Manalo Omar, saglit na lumabas ang mga magulang dahil may bibilhin at iniwan nila ang natutulog na anak sa loob ng bahay.

Pagbalik nila, nasusunog na ang katapat na bahay at mabilis na umabot sa kanila ang apoy.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng apoy pero posibleng sanhi umano ito ang nag-overheat na rechargeable electric fan.

Tinatayang aabot ng P1.5 milyon ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

-- Ulat ni Champ de Lunas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.