Sabungan sa Batangas, ininspeksyon ng NBI | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sabungan sa Batangas, ininspeksyon ng NBI

Niko Baua,
ABS-CBN News
Published Mar 07, 2022 06:40 PM PHT

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iinspeksiyon sa iba't ibang sabungan kung saan sinasabing nawala ang mahigit 30 sabungero.

Pinuntahan ng NBI-National Capital Region ang 35 ektaryang Royal Octadome Arena sa Lipa City, Batangas. Lima sa nawawalang sabungero ang nanggaling umano rito.

Nakipag-ugnayan naman sa NBI ang officer-in-charge ng security ng sabungan. Ipinaliwanag at ipinakita niya sa NBI ang proseso tuwing may laban sa loob.

Mahigpit umano ang seguridad sa sabungan. Tanging mga nasa listahan lamang nila ang pinapapasok rito. Dagdag pa niya, diretsong dinadala sa cockhouse ng mga handler ang kanilang mga manok.

ADVERTISEMENT
Ipinakita rin sa NBI ang lugar kung saan ginagawa ang sabong. May naka-set-up na camera sa arena at naka-livestream rin ang laban.

Ongoing pa ang construction sa loob kaya ayon sa security, wala pang CCTV sa lugar. Wala rin umano silang alam sa sinasabing nawalang sabungero at sa balita na lamang nila ito nalaman.

Simula pa lamang ito ng imbestigasyon ng NBI kaugnay ng mga nawawalang sabungero. Katapusan na ng Pebrero nang maatasan ng Department of Justice ang NBI na mag-imbestiga kaugnay nito.

KAUGNAY NA ULAT
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT