Vintage bomb natagpuan sa likod-bahay sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2021 05:12 AM

Kuha ng Davao del Sur PNP

Nagulat ang isang lalaki matapos niyang madiskubre ang isang vintage bomb sa paghuhukay sa likod ng kaniyang bahay sa bayan ng Santa Cruz, Davao Del Sur, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Armando Genares, 55, naghuhukay lang siya ng lupa para sa gagawing septic tank sa likod ng kaniyang bahay sa Purok San Francisco, Brgy. Coronon, nang makita niya ang malaking bomba.

Humingi ng tulong si Genares sa pulisya at itinurn-over ang nadiskubreng bomba.

Nanawagan ang pulisya na maging maingat kapag nakahukay ng vintage bomb at makipagtulungan sa mga awtoridad dahil maaari pa rin itong sumabog. -- Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.