Opisyal na pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas umarangkada na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Opisyal na pagbabakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas umarangkada na

ABS-CBN News
Published Mar 01, 2021 01:32 PM PHT
|
Updated Mar 01, 2021 09:43 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Umarangkada ngayong Lunes ang opisyal na pagbabakuna sa Pilipinas laban sa COVID-19 gamit ang mga bakunang CoronaVac mula sa Chinese company na Sinovac.

Unang naturukan ng kauna-unahang awtorisadong bakuna sa bansa si Dr. Gerardo "Gap" Legaspi, direktor ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila kung saan idinaos ang seremonyal na pag-uumpisa ng vaccination program ng gobyerno.

Ang PGH nurse na si Chareluck Santos ang nagbigay ng bakuna kay Legaspi.

Umabot sa 126 na tauhan ng PGH ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine, base sa ulat bandang alas-4 ng hapon.

ADVERTISEMENT
Nagulat umano ang pamunuan ng ospital dahil 20 lang ang inaasahang magpapaturok ngayong Lunes.

Bumagsak kasi kamakailan sa 8 porsiyento ang bilang ng health workers sa PGH na pumayag magpabakuna nang malamang Sinovac vaccine ang ibibigay.

Nabakunahan din sa PGH sina Food and Drug Administration Director Eric Domingo, Metropolitan Manila Development Authority Chairperson Benhur Abalos Jr., at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

"Ito ay moral obligation po ng lahat ng mga tao na tayo ay dapat magpabakuna at dapat huwag nating hintayin 'yong tinatawag na best vaccine," ani Galvez.

"There is no such best vaccine dahil ang pinaka-best vaccine ay 'yung effective at efficient na dumarating nang mas maaga," dagdag niya.

Sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial (Tala) Hospital sa Caloocan, unang binakunahan ang medical chief ng ospital na si Dr. Fritz Famaran.

Sa nasabing ospital din naturukan si testing czar Vince Dizon, na nagsabing hindi siya nasaktan sa pagturok ng bakuna.

Mas masakit pa ang pagturok ng flu vaccine, ayon kay Dizon.

Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa Sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Bukod sa mga personnel ng VMMC, may mga empleyado rin ng bureaus ng Department of National Defense (DND) ang nagpabakuna.

Matapos maturukan ng Sinovac, nakaranas ng pagkahilo ang isang staff ng Philippine Veterans Affairs Office at tumaas ang heart rate ng isang taga-DND.

Dalawa naman ang nagka-altapresyon at isa ang nagkaroon ng rashes o pamumula sa balat.

Binigyan sila ng paunang lunas at dinala sa emergency room para sa maobserbahan pa, pero hindi na nakakita ng mas seryosong reaksiyon.

"Mild lang 'yon, nagkaroon lang ng allergy... Puwedeng mangyari 'yon talaga, just like any other medication," sabi ni VMMC Director Dr. Dominador Chiong Jr.

Sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City, 20 health workers ang nakatanggap ng bakuna.

Una rito si Dr. Eileen Aniceto, na binakunahan mismo ni Health Secretary Francisco Duque III.

Nasa 150 empleyado ng Lung Center umano ang nagpahayag ng pagnanais na makatanggap ng Sinovac vaccine pero naniniwala ang pamunuan ng ospital na dadami pa ito, lalo't nakita na nilang nagpabakuna ang ibang kasamahan.

Sa gitna ng pagbabakuna, nagtungo sa labas ng Lung Center ang Alliance of Health Workers para ihayag ang pagtutol sa pamamahagi ng Sinovac vaccines sa health workers.

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa medical workers ng militar sa Victoriano Luna Medical Center sa Quezon City.

Ang chief ng ospital na si Col. Fatima Navarro ang unang binakunahan at mismong si Health Secretary Duque rin ang nag-iniksiyon ng bakuna.

Inumpisahan na rin ang pagbabakuna sa Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Camp Crame, Quezon City.

Nasa 200 PNP health workers ang naturukan ng CoronaVac ngayong Lunes.

Ayon sa PNP Health Service, wala pa sa mga nabakunahan ang nagsasabing sumama ang kanilang pakiramdam matapos bakunahan.

Higit 800 health workers ng police force ang target mabakunahan hanggang Huwebes.

Sa tala ng Department of Health, umabot ngayong Lunes sa 578,381 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas matapos makapagtala ng 2,037 bagong kaso.

Sa bilang na iyon, 31,708 ang active cases dahil sa 534,351 gumaling sa sakit at 12,322 namatay.

Nauna nang sinabi ni Galvez na target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 50 milyon hanggang 70 milyon Pinoy bago matapos ang taon.

Nais ng bansa na makamit ang "herd immunity," kung saan mababakunahan ang karamihan sa populasyon upang hindi na maipasa ang sakit.

Nitong Linggo, dumating sa Pilipinas ang kauna-unahang batch ng mga bakuna ng COVID-19 sa Pilipinas, ang CoronaVac, na donasyon ng gobyerno ng China.

Ngayong Lunes din sana inasahang dadating ang 525,600 dose ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca. Pero inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Linggo na maaantala ito nang isa pang linggo dahil umano sa problema sa supply.

Bago nito, naturukan noong nakaraang taon ng COVID-19 vaccine ng Chinese firm na Sinopharm, kahit walang pahintulot ng Food and Drug Administration, ang ilang miyembro ng Presidential Security Group, ilang miyembro ng Gabinete, columnist na si Ramon Tulfo, at isang senador.

-- Ulat nina Jeff Canoy, Doland Castro, Angel Movido, Raphael Bosano, Vivienne Gulla, at Jorge Carino, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Covid-19
coronavirus disease
Covid-19 vaccination
Philippines vaccination
Philippines vaccination program
Sinovac
Philippine General Hospital
Tala Hospital
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT