Duque kinumbinse ang health workers na magpaturok ng vaccine ng Sinovac | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duque kinumbinse ang health workers na magpaturok ng vaccine ng Sinovac

Duque kinumbinse ang health workers na magpaturok ng vaccine ng Sinovac

ABS-CBN News

Clipboard

DOH Secretary Francisco Duque III. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA — Umapela nitong Lunes si Health Secretary Francisco Duque III sa mga health worker na magpabakuna gamit ang CoronaVac, ang bakuna ng Sinovac ng China, sa kabila ng alinlangan at duda sa kalidad nito.

Linggo nang dumating ang unang shipment ng naturang bakuna na donasyon ng bansang China, at ngayong Lunes ay agad din itong itinurok sa health workers at ilang opisyal ng pamahalaan.

Paliwanag ni Duque, bagamat 50 percent lang ang efficacy rate ng Sinovac vaccine laban sa mild infection, 100 percent naman itong epektibo laban sa malala o severe COVID-19 infection.

Kapareho lang anya ito ng iba pang bakuna tulad ng gawa ng Pfizer-BioNtech, Moderna at AstraZeneca.

ADVERTISEMENT

"Hinihikayat ko po ang ating health care workers na hangga't sa maaari po ay magpabakuna po tayo gamit ang Sinovac... Dapat lang na maniwala tayo na itong bakunang ito ay tunay na epektibo at makatutulong sa pag-iwas sa malubha o matinding COVID-19 infection," sabi niya.

Ang mahalaga aniya ay mabawasan ang severe cases na madalas nauuwi sa pagkaka-ospital o kamatayan.

"Kung walang matinding COVID, walang severe COVID, walang hospitalization at walang mamamatay," sabi ni Duque.

Pareho naman ang pananaw ni Dra. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination, sa pagtingin sa kakayahan ng bakuna sa matitinding COVID-19 cases.

"What's important is that you have high efficacy for moderate to severe COVID-19," sabi ni Bravo.

ADVERTISEMENT

Pero sa kabila nito, nanindigang ang ilang health workers na ayaw magpabakuna ng Sinovac

Sabi sa TeleRadyo ni Alliance of Health Workers national president Robert Mendoza, dapat bigyan sila ng bakunang may mas mataas na efficacy rate dahil pinakalantad sila sa COVID-19.

"Kami sa health workers ay hindi po kami masaya dahil itong Sinovac na ito ay hindi ito preferred ng mga health workers.
Kung meron mang mas mataas na efficacy, dun tayo sa mas mataas. Kami ang sumusuong sa mga pasyente natin. Dapat 'wag naman ito na ang sinusubo sa health workers na napakababa ng efficacy nito," ani Mendoza.

Batay sa pinakahuling ulat ng pamahalaan, may 14,819 healthcare workers na sa bansa ang tinamaan ng COVID-19, bagaman 171 lamang dito ang active cases.

Sampu sa kasalukuyang may sakit ay nasa "severe condition", 8 ang nasa "critical condition", 2 ang nasa "moderate condition", 94 ang "mild cases", at 57 naman ang asymptomatic.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.