Rekomendasyon sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa health workers, 'di sapat: AHW | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rekomendasyon sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa health workers, 'di sapat: AHW

Rekomendasyon sa paggamit ng Sinovac COVID-19 vaccine sa health workers, 'di sapat: AHW

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2021 09:29 AM PHT

Clipboard

MAYNILA - Pareho pa rin ang tindig ng isang grupo ng health workers na hindi sila sang-ayon na magpaturok sa ngayon ng bakuna kontra COVID-19 mula Sinovac kahit pa inirekomenda na ito ng advisory group ng gobyerno.

Ito'y habang inaasahan ang mga bakuna mula Tsina sa Linggo, ang unang batch ng COVID-19 vaccines na darating sa bansa.

“Ganun pa rin po ang stand namin bilang health workers na kailangan pa rin talaga namin ang safe, effective, high efficacy na vaccine,” pahayag ni Robert Mendoza, ang pangulo ng Alliance of Health Workers.

Ayon kay Mendoza, mababa ang efficacy rate ng bakuna kung ituturok sa mga health worker na exposed araw-araw sa mga ospital at virus.

ADVERTISEMENT

“Ang mga health worker, dahil sa kaniyang efficacy na 50.4 percent, kung pag-uusapan natin ang buhay, o kahalagahan, health and safety ng health workers, ‘di po kami magpapaturok ng Sinovac,” sabi ni Mendoza sa panayam sa TeleRadyo, Sabado ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Biyernes nang magdesisyon ang interim National Immunization Technical Advisory Group o NITAG na irekomenda ang Sinovac sa mga health worker sa kabila ng unang pahayag ng Food and Drug Administration.

Nauna nang sinabi ng FDA na bumababa ang efficacy ng bakuna kung gagamitin sa mga health worker na direktang exposed sa mga pasyenteng may COVID-19.

“‘Di sapat 'yun kahit sinabi na ng NITAG, ng ibang organization, sa mga doctor, health experts... 'di pa rin sapat 'yun para maniwala ang mga health workers sa sinasabi ng mga grupong ito,” sabi ni Mendoza.

Ipinagtataka rin ng grupo kung bakit biglang nabago ang unang rekomendasyon hinggil sa Sinovac.

“Nakakapagtaka statement ng government, inconsistent mga statement nila, paiba-iba. Kami, naninindigan na doon tayo sa safe, effective at high efficacy na vaccine,” sabi niya.

Nakatakdang dumating sa bansa ang Sinovac COVID-19 vaccine sa Linggo kung saan prayoridad na mabakunahan ang mga health worker at sundalo.

Ayon sa DOH at sa advisory group nito, maaaring umayaw naman o maghintay sa pagdating ng iba pang bakuna ang mga health worker at hindi ito makakaapekto sa kanilang priority status.

“Kung may willing, sige, iturok 'yan. Pero siguraduhin ng goberyno na 'yung unang iprinomise nila magawan ng paraan at maibigay sa atin ngayon 'yung Pfizer na inaantay natin,” sabi niya.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.