FDA: Efficacy ng Sinovac, bumababa sa health workers na mas exposed sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FDA: Efficacy ng Sinovac, bumababa sa health workers na mas exposed sa COVID-19

ABS-CBN News
Published Feb 23, 2021 11:56 AM PHT
|
Updated Feb 23, 2021 12:05 PM PHT

MAYNILA - Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) Martes ng umaga na walang safety issue sa Sinovac vaccine pero hindi lamang nila ito inirerekomenda bilang bakuna sa health workers na direktang exposed sa mga COVID-19 patients dahil mas bumababa ang efficacy nito.
“Hindi naman sa hindi pwede. Ang sabi lang namin ‘di namin ma-recommend doon sa health worker, mga doktor at mga nurses na talagang nanggagamot ng COVID-19 patient. 'Yung talagang nasa ward, nakita po kasi na 'pag doon talaga sa nanggagamot ng COVID-19, dahil siguro sa taas ng exposure, mas mababa ng konti efficacy niya, hanggang 50 percent lamang po,” pahayag ni FDA Director General Eric Domingo.

Tinatayang higit 1 milyong health workers ang nasa pinakauna sa listahan ng prayoridad ng gobyerno na makatatanggap ng bakuna kapag dumating na ang suplay.

Paliwanag ni Domingo, ginawa ang clinical trial ng Sinovac sa 18 hanggang 59 years old. Wala aniyang kasama sa participants na higit 60 ang edad.

“Kaya nung bigyan natin ng pahintulot, doon lamang sa talagang age group na na-testing po which is 18 to 59 lang po. Gagawin muna sa 18 to 59 tapos 'pag OK saka susubukan ngayon sa mas matanda o ongoing ang studies ngayon,” sabi niya.

Lunes nang mabigyan ng FDA ng emergency use authoritization ang Sinovac vaccine kontra COVID-19. Ang bakunang gawa ng China ay inaasahang darating sa bansa bago matapos ang kasalukuyang buwan.

“Pero kung wala naman pong choice at wala namang available vaccine and the health worker naman is willing to get the vaccine, pero ang warning namin para sa mga nanggagamot ng COVID-19 talagang 50 percent ang kaniyang efficacy,” sabi ni Domingo.

Maliban sa health workers na may direktang exposure sa COVID-19, maaari namang magamit ang naturang bakuna sa ibang sektor sa nasabing age group.

“Maganda ang kaniyang efficacy rate 65 to 91 percent kaya very good po siya, kung pipili tayo akmang-akma siya sa mga kababayan na working age, na healthy, tapos nagtatrabaho na hindi naman nanggagamot ng COVID,” sabi ni Domingo.