Emergency use ng COVID-19 vaccine ng Sinovac inaprubahan na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Emergency use ng COVID-19 vaccine ng Sinovac inaprubahan na

Emergency use ng COVID-19 vaccine ng Sinovac inaprubahan na

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 22, 2021 07:16 PM PHT

Clipboard

Packaging facility ng Sinovac Biotech, na nag-develop ng isang bakuna kontra COVID-19, noong Setyembre 24, 2020. Thomas Peter, Reuters/File

(UPDATE) Maaari nang makapasok at magamit sa Pilipinas ang mga bakuna kontra COVID-19 ng kompanyang Sinovac mula China.

Ito ay matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang kanilang emergency use authorization (EUA).

"After a thorough and rigorous review of the currently available published and unpublished data by our regulatory and medical experts, the FDA is granting an emergency use authorization to the COVID 19 vaccine of Sinovac," sabi ngayong Lunes ni FDA Director General Eric Domingo.

"The benefit of using the vaccine outweighs the known and potential risk," dagdag ni Domingo.

ADVERTISEMENT

Ayon sa FDA, ang efficacy rate ng Sinovac para sa mga nasa edad 18 hanggang 59 ay mula 65.3 porsiyento, base sa clinical trials sa Indonesia, hanggang 91.2 porsiyento, base sa clinical trials sa Turkey.

Wala rin umanong naobserbahang seryosong side effect, hindi tulad ng ibang bakuna na nauna nang nakitaan ng maliit na bilang ng kaso ng severe allergic reactions.

"The adverse events reported were transient and mostly mild to moderate similar to common vaccine reactions," ani Domingo.

"The vaccine is a good option for individuals who have allergies to components of other available vaccines such as the polyethylene glycol and polysorbate. Hindi po siya nagko-contain nitong mga chemical that usually cause anaphylaxis and severe allergies," paliwanag ni Domingo.

Certified halal din ang bakuna sa Indonesia, na ibig sabihin ay katanggap-tanggap sa ilalim ng Islam.

Pero ayon kay Domingo, hindi mairerekomenda para sa mga health worker ang bakuna.

"Nakita kasi sa trial sa Brazil, binigay ito sa mga health workers na nagtatrabaho sa hospitals na nagti-treat ng COVID, ay 50.4 percent ang efficacy niya," ani Domingo.

"Ang rekomendasyon ng ating mga experts ay hindi po ito ang pinakamagandang bakuna para sa kanila."

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon naman sa Department of Health, maaaring Sinovac ang maunang COVID-19 vaccine na makarating ng Pilipinas ngayong Pebrero.

"Kung mailabas na ang EUA ay mga 3 hanggang 5 araw ang hinihingi ng Chinese Embassy para paghandaan ang pagpapadala ng naturang 600,000 Sinovac vaccines," ani Health Secretary Francisco Duque III.

Dahil hindi inirerekomenda sa health workers, kailangan pang pag-usapan ang listahan ng priority sector na makakatanggap ng bakuna.

Base sa prayoridad ng gobyerno, una dapat makatanggap ng mga bakuna ang health workers.

Naantala ang dating sa Pilipinas nitong Pebrero ng Pfizer vaccine, na may 95 porsiyentong efficacy rate at puwede sanang gamitin ng health workers, dahil sa indemnification issue.

Inaasahan din ang dating ng mga bakuna ng AstraZeneca mula Covax Facility ng World Health Organization pero wala pang pinal na petsa kung kailan ito maide-deliver.

"Siguro kinakailangan nilang baguhin muna na iyong ating list of priorities," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

"Baka mauna na iyong ating tinatawag na economic frontliners na kasama po ng ating kasundaluhan," dagdag niya.

Nilinaw ng DOH na mananaitli pa rin ang vaccine priority framework pero susundin kung ano man ang nakasulat sa EUA ng bawat bakuna.

Magpupulong sa Martes ang National Immunization Technical Advisory Group para pag-usapan ang vaccine priority bago maglabas ng operational guidelines.

Sa 600,000 dose ng Sinovac na ido-donate ng China, 100,000 ang mapupunta sa Department of National Defense (DND), ayon kay Secretary Delfin Lorenzana.

Gagamitin ito para sa DND personnel at mga pamilya nila, at ibibigay sa tulong ng Veterans Memorial Medical Center at V. Luna Medical Center.

Para sa infectious disease specialist na si Dr. Benjamin Co, katanggap-tanggap naman ang Sinovac.

"If you were to ask me if I am going to get the vaccine or not... I would because there is no vaccine available yet. And if I will wait until a vaccine arrives, then you are racing against time," ani Co.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng FDA ang aplikasyon para sa EUA ng Gamaleya Institute ng Russia at Bharat Biotech ng India.

May EUA na ang Pfizer at AstraZeneca.

Sa tala ng DOH ngayong Lunes, 563,456 na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

-- Ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.