ALAMIN: Ilang paraan ng paggunita ng Ash Wednesday | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ilang paraan ng paggunita ng Ash Wednesday

ALAMIN: Ilang paraan ng paggunita ng Ash Wednesday

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 13, 2021 12:48 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Ilang paraan ang isasagawa ng Simbahang Katolika para mas maraming pamilyang Pilipino ang makasali sa paggunita sa Ash Wednesday sa darating na Pebrero 17, sa kabila ng hamon ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Ayon kay Pabillo, magsasagawa pa rin ang selebrasyon ng Ash Wednesday sa mga simbahan.

“Itutuloy pa rin natin 'yung mga distancing natin saka marami naman 'yung mga misang gagawin para hindi sila magkumpulan sa iilang misa lang,” sabi ni Pabillo.

Tiniyak niya na wala rin contact sa mga tao dahil ibubudbod lamang ang abo sa ulo sa halip na ang nakagawiang pagpahid sa noo.

“Sa pagtanggap ng abo, isang dasal lang para sa lahat saka bubudburan sila sa bunbunan ng abo,” sabi niya.

ADVERTISEMENT

Mayroon rin silang lay ministers na puwedeng lumabas at budburan ng abo ang mga taong hindi makakapasok sa loob ng simbahan.

“Puwede rin gawin 'yun. Desisyon na 'yan ng bawat parokya kasi ang bawat parokya iba iba ang sitwasyon nila,” sabi niya.

Bukod sa pagtanggap ng abo sa simbahan, maaari din gawin ang pagbudbod ng abo sa mga bahay para sa mga taong hindi makakadalo ng personal sa mga misa.

“Nagpalabas po kami ng mga prayers, 'yung mga pamilya mismo puwedeng magdasal sila habang sinusunog 'yung abo, sinusunog 'yung mga dahon na tuyo,” sabi ni Pabillo.

Sinabi niya na pinapayagan na rin ng Vatican ang pagsusunog ng kahit anong tuyong dahon kapalit ang palaspas para gawing abo.

“Wala tayog Palm Sunday last year so wala tayong susunugin. Kahit anong dahon puwedeng sunugin at habang sinusunog 'yun may dasal na ginagawa,” paliwanag niya.

Ang abo mula dito ang gagamitin ng mga pamilya sa Ash Wednesday.

Isa ring paraan ay ang pagkuha ng abo mismo sa simbahan.

“At 'yan ang ibubudbod ng padre de pamilya sa mga hindi makakasimba,” dagdag niya.

Matatagpuan aniya sa website ng Archdiocese of Manila ang mga panuntunan, kasama na ang ipinalabas na pastoral letter at mga dasal para dito.

Samantala, pinaghahandaan na rin ng Simbahan ang mga maaaring gawin sa darating na Holy Week.

“Pinag-uusapan na namin 'yan. May problema lang kami sa visita iglesia kasi 'yung mga tao ang iikot. Pero puwede naming hanapan ng paraan na hindi na sila papasok ng simbahan at hindi sila magtatagal at pupunta sa ibang simbahan,” sabi niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.