DIY? Abong naka-sachet ipinamahagi ng isang parokya para sa Ash Wednesday | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DIY? Abong naka-sachet ipinamahagi ng isang parokya para sa Ash Wednesday

ABS-CBN News
Published Feb 03, 2021 08:10 PM PHT

MAYNILA – May naisip na paraan ang kura paroko ng St. Gabriel The Archangel Parish sa diocese ng Caloocan para makatanggap pa rin ng abo sa darating na Ash Wednesday ang mga hindi makakalabas ng bahay dahil sa pandemya.

Naghanda ang parokya ng mga naka-sachet na abong binasbasan na maaaring ilagay sa noo kasabay ng online mass na ipalalabas nang live sa Facebook page ng parokya na www.facebook.com/sgaparish.

"Ito ay nagpapaalala na sa panahon ng Kuwaresma dapat tayong manalangin, mag-ayuno, maglimos, at muling magbalik-loob sa Panginoon," nakasaad sa paalalang kalakip ng abo na nakalagay sa maliit na supot para sa mga deboto.

Ayon kay Rev. Fr. Adrian Magnait, kura paroko, bunga ng kanyang dasal at pagninilay ang ideya lalo’t nalulugkot siya na hindi makapunta sa simbahan ang mga tao dahil sa pandemya.

Ipinaalam ni Magnait ang ideya sa obispo ng diocese ng Calookan na si Bishop Pablo Virgilio David.

Kinumpirma ni David na isa ito sa mga maaaring gawin ng mga pari para sa mga hindi makakadalo sa nalalapit na pagdiriwang ng Ash Wednesday.

"Ideally, sa simbahan ito ginagawa, pero dahil panahon ng pandemya we will tolerate this for the sake of those who cannot yet physically come to church. Maglalabas din ng instructions ang CBCP tungkol dito," ani David.

–Ulat ni Willard Cheng, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV PATROL
TV PATROL TOP
Ash Wednesday
parish
abo
kakaiba
classified odd
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT