Mga mamimili nagsilabasan ng mall, hollowblocks nahulog dulot ng lindol sa Mindanao | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga mamimili nagsilabasan ng mall, hollowblocks nahulog dulot ng lindol sa Mindanao

Mga mamimili nagsilabasan ng mall, hollowblocks nahulog dulot ng lindol sa Mindanao

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Mary Rose Godmaling

MAYNILA - Nagsilabasan ang mga mamimili sa mga mall at niyanig ang mga paninda matapos tumama ang isang magnitude 6.1 na lindol sa Davao del Sur at mga karatig na probinsiya sa Mindanao nitong Linggo ng tanghali.

Sinundan nito ang isang magnitude 4.8 na lindol umaga ng Linggo.

Marami ang hinimatay at nagsigawan sa mga mamimili sa Mall of Ace Centerpoint sa Koronadal City, South Cotabato nitong tanghali dahil sa takot bunsod ng malakas na pagyanig, ayon kay Marissa Pandat.

Ang mga nagmo-malling sa SM General Santos City ay nagsitabkuhan rin palabas, at pumirmi muna sa open area bunsod ng lindol. Nakunan ni Jake Tangaro ng video ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT

Kuha ni Jake Tangaro

Ramdam din sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur ang malakas na pagyanig na nagpagalaw ng ilang gamit at pader, ayon kay municipal information officer Anthony Allada. Naitala sa bayan ang epicenter ng dalawang lindol.

Kuha ni Anthony Allada

Isa ang Magsaysay sa mga lugar na matinding tinamaan ng mga lindol noong 2019 sa Mindanao.

Kuha ni Marife Agsaulio

Sa bayan ng Bansalan, Davao del Sur, nahulog ang mga produkto sa isang tindahan na katatapos lang maayos sa mga istante. Ayon sa may-ari ng tindahan na si Marife Agsaulio, abala siya sa pag-asikaso ng mga kustomer nang biglang makaramdam ng malakas na pagyanig.

Nag-unahan sa paglabas ng tindahan ang mga customer habang si Marife ay natisod.

Nahulog din ang mga paninda sa isang tindahan sa Barangay Rodero, Makilala, Cotabato.

Naramdaman sa mga nabanggit na lugar ang Intensity V, kung saan, ayon sa Phivolcs, maaring yanigin ang mga nakasabit na kagamitan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Cagayan de Oro City, makikitang gumagalaw ang mga ibinebenta sa isang tindahan nang mangyari ang lindol, ayon kay Major Rodulfo Cordero, public affairs chief ng Philippine Army 4th Infantry Division.

Kuha ni Nash Alfonso

Sa bayan ng Lutayan, South Cotabato, nahulugan ng bitak ng hollow blocks ang mga gamit ni si Nash Alfonso.

Kuha ni Verna Pedregosa

Ibinahagi rin ng isang teacher sa bayan ng Tampakan, South Cotabato ang isang video kung saan makikita ang paggalaw ng chandelier sa loob ng kanilang bahay.

--Ulat nina Hernel Tocmo, Joel Ramirez, Chat Ansagay, Charmane Awitan, at Chrislen Bulosan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.