Mega vaccination hub ng Taguig City ipinasilip | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mega vaccination hub ng Taguig City ipinasilip

Mega vaccination hub ng Taguig City ipinasilip

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 27, 2021 07:06 PM PHT

Clipboard

Nagtayo ng mega vaccination hub ang lokal na pamahalaan ng Taguig City sa Lakeshore Complex para sa immunization program nito laban sa COVID-19. Vivienne Gulla, ABS-CBN News

MAYNILA — Binista ngayong Miyerkoles ng National Task Force Against COVID-19 ang Taguig City para suriin ang kahandaan ng lungsod sa pagbabakuna ng mga residente laban sa COVID-19.

Kasama sa mga pinuntahan ang Lakeshore Complex, na isa sa 5 mega vaccination hub na inihanda ng lungsod, bukod pa sa 35 vaccination center.

Sa Lakeshore, dadaan sa proseso ang mga taong nais magpabakuna, kasama ang registration, counseling, screening at mismong vaccination.

Mayroon ring storage sa pasilidad para sa mga bakuna.

ADVERTISEMENT

Ayon kay COVID-19 National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr., maayos at puwedeng gawing halimbawa ng ibang local government unit (LGU) ang vaccination center ng Taguig.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Target ng Taguig na mabakunahan ang 670,000 mula sa higit isang milyong residente nito.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, sa tulong ng 400 vaccination team ng lungsod, kayang mabakunahan ang target residents sa loob nang 23 araw.

Inihayag naman ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na handa siyang magpabakuna kontra COVID-19 sa harap ng ibang tao para magsilbing halimbawa.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na handa na ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na i-rollout ang mga bakuna laban sa respiratory illness, na nakahawa sa higit 516,000 sa bansa.

Ayon kay Galvez, inaasahang dadating ang isang milyong dose ng COVID-19 vaccine sa Pebrero. Kasama umano rito ang nasa 200,000 hanggang 500,000 mula sa AstraZeneca, 500,000 mula sa Sinovac, at mga bakuna ng Pfizer mula sa Covax Facility.

Target umano ng gobyernong makakuha ng 148 milyon doses ng bakuna, bukod pa sa 40 milyong dadating mula sa Covax Facility.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.