Pandacan Church, tuloy ang pagdiriwang ng kapistahan kahit na sunog ang simbahan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pandacan Church, tuloy ang pagdiriwang ng kapistahan kahit na sunog ang simbahan

Pandacan Church, tuloy ang pagdiriwang ng kapistahan kahit na sunog ang simbahan

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 17, 2021 08:52 AM PHT

Clipboard

Maraming deboto ng Sto. Niño ang dumalo pa rin sa mga misa sa Pandacan Church sa Maynila kahit na hindi pa tapos ang rehabilitasyon ng simbahan mula sa pagkakasunog noong nakaraang taon at konti lang ang kapasidad. Jekki Pascual, ABS-CBN News

MAYNILA - Bitbit ni Rowena dela Cruz ang maliit na imahen ng Sto. Niño nang pumunta siya sa simbahan ng Pandacan sa Maynila ngayong araw ng Linggo.

Magsisimba siya ngayong Kapistahan ng Sto. Niño, pero di na nakapasok sa compound dahil sa limited capacity ng simbahan.

Hindi naman ito problema sa kaniya dahil aniya'y may espasyo naman sa kalsada.

May mga LED screens rin doon para mapanood pa rin ng mga deboto ang misa.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Limitado lamang sa 150 katao ang pwedeng pumasok sa Pandacan Church na nasunog Hulyo ng nagdaang taon.

Para kay dela Cruz, na isang frontliner, nakakaiyak aniya na makita ang sunog na simbahan at pandemya pa. Nurse si dela Cruz sa PGH kaya hiling niya na sana'y matapos na ang krisis na dulot ng COVID-19.

Hiling rin niya sa mga Pilipino na sumunod sa mga health protocol.

Tanaw ang bagong imahen ng Sto Niño de Pandacan kasi inilabas ito para makita ng mga tao. Unang beses lang na inilunsad ang bagong imahen para sa pista ngayon.

Ang lumang imahen na daan-daang taon na ay kasama sa nasunog noong Hulyo.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.