Bahagi ng Sto. Niño de Pandacan nasusunog

Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2020 02:04 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sumiklab ang sunog hapon ng Biyernes sa bahagi ng Santo Niño de Pandacan Parish sa Pandacan, Maynila.

Batay sa post ng Bureau of Fire Protection ng National Capital Region (BFP-NCR), naitala na sa ikatlong alarma ang antas ng sunog.

Sa isang larawan mula pa rin sa BFP-NCR, makikita ang malaking apoy na tumutupok sa bahagi ng simbahan.

Ayon sa mga awtoridad, bandang 1:19 ng hapon naiulat ang sunog.

I-refresh ang pahina para sa mga karagdagang detalye.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.