Unang pista ng Sto. Niño de Pandacan, pinaghahandaan sa kabila ng nasunog na simbahan

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2021 04:54 PM

MAYNILA - Naghahanda na ang mga residente at awtoridad para sa kapistahan ng Sto. Niño de Pandacan sa darating na linggo.

Pero 'di tulad dati, ito ang unang pistang gaganapin sa Pandacan sa labas ng simbahan matapos na masunog ito noong Hulyo ng nakaraang taon.

Nadamay din ang makasaysayang imahe ng Sto. Niño sa naturang sunog.

Dahil sa sunog, tanging belfry na lamang ng simbahan ang natira kaya naglagay ng tolda sa harap para doon idaos ang mga misa.

Tanging mga misa lamang ang papayagang idaos sa kapistahan ng Sto. Niño de Pandacan at maging sa Tondo dahil na rin sa banta ng COVID-19. 

Miyerkoles ng umaga nang maglinis ng kapaligiran ng simbahan ng Pandacan ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office bilang paghahanda sa kapistahan ng Sto. Niño.

“Kasalukuyan pong inaanlawan ng Manila District Yayamanin Tanker at ng ating mga operatiba kasama ang DPS upang siguruhin na malinis at maaliwalas ito para sa kapistahan,” ayon sa Facebook post ng Manila DRRMO.

Hindi umano kabawasan sa pananampalataya ang kawalan ng simbahang matutunghayan ngayong kapistahan.

Ipinapaalala rin nila sa lahat ang minimum health protocols na ipinatutupad laban sa pagkalat ng COVID-19. 

— May ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC