Grupong Manibela muling nagkasa ng transport protest sa Martes | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Grupong Manibela muling nagkasa ng transport protest sa Martes

Robert Mano,
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2024 03:18 PM PHT
|
Updated Jan 14, 2024 05:05 PM PHT

MAYNILA (Updated) — Magsasagawa ng nationwide transport protest ang grupong Manibela sa Martes, Enero 16, para muling ipanawagan ang pagbasura sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Inaasahang aabot sa 10,000 hanggang 15,000 ang lalahok sa protesta — paglilinaw ng grupo, hindi ito strike — sa Metro Manila pa lang, sabi ni Mar Valbuena, chairperson ng Manibela.

"Gusto pa rin nating ipanawagan sa pangulo na ibalik ang na-revoke na prangkisa ng ating mga kasamahan," aniya.

"Lalo na sa hanay ng mga operators na makapagpatuloy pa rin sa ating hanapbuhay dahil kawalan ng pagkakakitaang dulot nito sa mga driver at operators at kawalan ng masasakyan ng taong bayan."

ADVERTISEMENT
Sisimulan ng grupo ang protesta sa UP Diliman bandang alas-10 ng umaga at magka-caravan papuntang Welcome Rotonda, saka magmamartsa papuntang Mendiola, Maynila.
Bukod aniya sa mga driver at operator, lalahok din sa protesta ang mga commuter at mga estudyante.
Sa bilang ng grupo, nasa 30,000 units sa NCR ang hindi pa nakapag- consolidate. Isa sa unang hakbang ang consolidation sa pagpapatupad ng PUV modernization program.
Umaasa naman ang grupo na kakatigan ng Korte Suprema ang petisyon para sa temporary restraining order laban sa naturang programa.