40,000 pamilyang informal settlers balak i-relocate kasabay ng Manila Bay rehab | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

40,000 pamilyang informal settlers balak i-relocate kasabay ng Manila Bay rehab

40,000 pamilyang informal settlers balak i-relocate kasabay ng Manila Bay rehab

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mahigit 40,000 pamilyang informal settlers na siyang pangunahing pinagmumulan ng basura at wastewater sa Manila Bay.

Inikot ng ahensiya ang paligid ng Manila Bay para alamin ang kalidad ng tubig-dagat bago isakatuparan ang planong rehabilitasyon ng lugar.

Ilan sa pinuntirya ng DENR ang maraming residente sa Baseco compound, na aminadong nagtatapon sila ng basura at wastewater sa dagat.

Ang kinatatayuan ng mga bahay ng informal settlers ay dating bahagi ng dagat pero sa dami ng basurang naipon ay maaari na itong lakaran at gawan ng mga estruktura.

ADVERTISEMENT

Paliwanag ng mga residente, wala talaga silang pagpipilian kundi itapon ang basura sa Manila Bay, kasama na ang pinaghugasan ng pinggan at pinaglabahan.

Pabor naman ang maraming informal settlers sa relokasyon basta't matiwasay daw ito.

"Kung may magandang malilipatan siyempre mas pabor kami," ani Rosalie Banjao, nakatira sa Baseco.

Bukod sa mga residente, aalamin din ng DENR kung may paglabag ang mga dumadaong na barko at mga establisimyento sa paligid ng Manila Bay.

"As we go around talaga, the more challenging ang nasasagupa natin so 'yang aming estimates noon, medyo nadadagdagan now," ani DENR Secretary Roy Cimatu.

Matapos tingnan ng DENR ang lawak ng problema ng Manila Bay, sisimulan na ang mahabang proseso ng rehabilitasyon.

—Ulat ni Kevin Manalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.