Inspeksiyon sa palibot ng Manila Bay, umarangkada na | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Inspeksiyon sa palibot ng Manila Bay, umarangkada na

Inspeksiyon sa palibot ng Manila Bay, umarangkada na

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inumpisahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Biyernes ang pag-inspeksiyon sa mga establisimyento sa palibot ng Manila Bay matapos isapubliko ang planong rehabilitasyon nito.

Sa pag-iikot, nadismaya agad si Environment Secretary Roy Cimatu nang lapitan ang Estero de San Antonio na isa sa mga pinakamaruming estero na konektado sa Manila Bay.

Nakita kasi sa water sample na 1.3 bilyon ang most probable number (MPN) na fecal coliform nito, malayo sa normal na lebel na 100. Nakita rin dito ang mga hospital waste, at dumi ng mga tao at hayop.

"Madumi talaga 'yung lumalabas doon, so madumi ang pinanggalingan," hinaing ni Cimatu.

ADVERTISEMENT

Natuklasan ding naglalabas pala ng water waste sa nasabing estero ang Manila Zoo na may mahigit 600 hayop.

Aminado ang pamunuan ng zoo na may septic tank sila pero walang sewage treatment plant. Ibig sabihin, untreated wastewater ang nilalabas nila sa Manila Bay pero hindi daw kasama rito ang mga dumi ng hayop.

"Ang mga nilalabas lang naman namin parang pinagliguan na lang o pinaghugasan na lang ng mga hayop... Dahil 'yung kanilang mga dumi ay aming ginagawang fertilizer," depensa ni Atty. Jaz Garcia ng Manila Zoo Public Recreation Department.

Pinuntahan din ng DENR ang bahagi ng Parañaque River kung saan maraming informal settlers.

Nasa 354 pamilya ng informal settlers ang nakatira sa Bgy. Sto. Niño at wala silang septic tank kaya dumidiretso sa Parañaque River patungong Manila Bay ang kanilang mga dumi.

Plano ng DENR na plantsahin ang relocation ng mga pamilya.

—Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.