Mga botika, konsumer pinaboran ang purchase cap sa ilang gamot | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga botika, konsumer pinaboran ang purchase cap sa ilang gamot

Mga botika, konsumer pinaboran ang purchase cap sa ilang gamot

ABS-CBN News

Clipboard

Naglagay ang isang drugstore ng mga listahan ng gamot na out of stock, kasabay ng pagtaas ng demand sa mga gamot para sa lagnat, ubo at sipon na halos kapareho sa sintomas ng COVID-19. Mark Demayo, ABS-CBN News
Naglagay ang isang drugstore ng mga listahan ng gamot na out of stock, kasabay ng pagtaas ng demand sa mga gamot para sa lagnat, ubo at sipon na halos kapareho sa sintomas ng COVID-19. Mark Demayo, ABS-CBN News


MAYNILA - Pinaboran ng mga samahan ng mga botika at ng mga konsumer ang paglalagay ng purchase limit sa ilang gamot gaya ng paracetamol at ilan pang flu medicine sa harap ng dumaraming nagkakasakit.

“Kinascade na namin sa aming members at pinrint na ng mga botika. 'Pag may bumibili na sobra sa sinabi ng DTI, pinapakita namin na hanggang dito lang muna para ma-accommodate lahat ng consumer na nangangailangan,” sabi ni Drugstores Association of the Philippines Chairman of the Board Jovelyn Blancaflor sa ABS-CBN News ngayong Miyerkoles.

Pero bagama't aniya bukas sila dito, aminado sina Blancaflor na mahihirapan ang mga retailer na tukuyin kung pang-indibidwal o para sa buong bahay ang bibilhing paracetamol.

“Yung limit na inimpose ng DTI, challenging sa amin sa drugstores kasi hindi talaga ma-identify kasi wala kaming record ilan ba members ng household. ' Yung pag-identify, mahirap yun. Honesty na lang ng tao. Bago namin i-dispense o ibigay ang gamot sa kanila, kailangan munang i-educate sila na ang bibilhin nila ay tama lang sa kanilang family para hindi masayang, kasi baka mag-expire o masira dahil sa storage," ani Blancaflor.

ADVERTISEMENT

Pinaboran din ito ng ilang konsumer.

"Para hindi ma-hoard ang gamot, kailangan limitado kasi maraming nangangailangan ngayon. Hindi naman nila mauubos ang isang banig agad, o isang box sa isang pasyente lang,” sabi ng doktor na si Rolando Rivera.

“Pabor. Yung iba kasi talagang nauubusan ng stock sa Mercury. Nahihirapan lahat bumili, lalo 'pag kailangan na,” sabi naman ng isang konsumer na si Dado Domondon.

Sumang-ayon din ang drugstore worker na si Antonio Lacap.

“May nagre-react dito. Gusto kasi nila, bumili ng gamot na marami para sa kanilang pamilya. Hindi naman pwede yun. Pabor ako diyan para mapagbigyan naman yung ibang tao na mabigyan ng gamot. Kung ano sinabi ng DTI na ilan, susunod lang kami sa kanilang patakaran," aniya.

Sa joint memorandum circular na inilabas ng Department of Trade and Industry at Department of Health, nasa 20 paracetamol tablet lang ang maaaring bilhin ng kada indibidwal.

Kung bibili naman para sa kada household, 60 ang limitasyon.

Kung bibili naman ng liquid paracetamol, maaari lang bumili nang hanggang 5 bote ang isang indibidwal.

Sampu naman ang maaaring bilhin ng isang household.

“Sanay tayong magpanic-buying. Gusto nating marami tayong stock palagi. Sa panahon na ito, marami tayong mabibili. Pero ang limit, sa 20, paracetamol, you take that 4 times a day every 4 hours for 5 days. Ang paracetamol, iniinom 'yan hanggang sa mawala. Kaya naging 20 siya for one person. For one household, limited siya to 60, kaya we work on the assumption na 3 tao sa household ang magkakaroon, kaya 20 tablets per person,” sabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo sa TeleRadyo nitong Martes.

Ipinagbabawal ng DTI at DOH ang online selling ng mga gamot maliban na lang kung papayagan ng Food and Drug Administration.

“Andaming online sellers. But not all online sellers of medicines have the license to operate issued by the FDA. Hindi pwedeng magbenta ng gamot ang kahit sino without the license to operate. Because of this limitation, kailangan paalalahanan ang online sellers na hindi sila basta-basta pwedeng magbenta ng gamot. When we buy online ang gamot, we can opt to buy from reputable stores o hanapan natin sila ng license to operate,” sabi ni Castelo.

Magiging epektibo ang limitasyon hanggang makita ng ahensiya na sapat na ang supply ng mga sakop na gamot.

-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.