Mga doktor nagbabala sa sobra-sobrang dosage ng vitamins | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga doktor nagbabala sa sobra-sobrang dosage ng vitamins

Mga doktor nagbabala sa sobra-sobrang dosage ng vitamins

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Dahil hirap pa ring makabili ng paracetamol sa mga botika, marami ang bumabawi na lang sa mga bitamina para may panlaban sa sakit.

Sabi ni Dra. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians, mainam ang regular na pag-inom ng vitamins lalo ngayong tumataas ang mga kaso ng COVID-19.

Kaya kahit walang nararamdamang lagnat, ubo o sipon, dapat tadtarin ang katawan ng mga bitamina at tubig.

Sapat na aniya ang 500 mg ng vitamin C kada araw pero puwede itong gawing 1,000 mg kapag may karamdaman na.

Pero nagbabala rin ang doktor sa hindi magandang epekto sa kalusugan ng labis-labis na pag-inom ng vitamin C.

"Para sa adults, ang maximum ay 2000 mg per day, so 'yung dalawang beses sa isang araw hindi pa 'yun ang maximum. Pero pag sumosobra rin ang vitamin C, masakit 'yan sa tiyan," ani Limpin.

Dapat din daw uminom ng nutrient na zinc na nagpapalakas ng resistensiya.

"'Yun 'yung madalas na binibigay namin kasi nakakatulong para maproteksiyunan ang immune system natin. Importante ito habang tayo ay nagpapagaling, sa healing process, importante ang zinc," ani Limpin.

Pati pag-inom ng paracetamol, dapat din umanong bantayan.

"Ang paracetamol, kapag nasobrahan ka diyan, toxic 'yan sa atay natin. Puwedeng masira ang organ system. Importanteng hindi sumobra sa pagkuha ng gamot," ani Limpin.

ADVERTISEMENT

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.