Dami ng mabibiling paracetamol, iba pang gamot pangtrangkaso nilimitahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dami ng mabibiling paracetamol, iba pang gamot pangtrangkaso nilimitahan

ABS-CBN News
Published Jan 11, 2022 07:22 PM PHT

Nilimitahan na ng pamahalaan ang dami ng mabibiling paracetamol at iba pang gamot pangtrangkaso sa mga botika matapos magkaubusan ng ilang kilalang brand nitong nagdaang linggo.

Sa utos na inilabas ngayong Martes ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH), sinabing limitado na lang sa 20 tableta ng 500-mg paracetamol at carbocisteine ang puwedeng mabili ng kada indibidwal, habang 60 naman sa kada household.

Pagdating naman sa liquid o suspension na paracetamol, phenylephrine hydrochloride at carbocisteine, hanggang 5 bote lang kada kostumer o 10 bote kada household.

Iginiit naman ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na walang shortage sa gamot kundi iniiwasan lang ang pangho-hoard.

"Nade-deliver naman nang mabilis sa mga retail store pero kung gaano kabilis ang delivery, ganoon din kabilis maubos. That's why kailangan natin i-limit," ani Castelo.

Nagpasalamat naman ang Drugstores Association of the Philippines dahil ngayon ay hindi na umano sila aawayin ng mga kostumer na nagagalit kapag nililimitahan nila ang puwedeng mabiling gamot dahil may opisyal na utos na galing sa gobyerno.

Samantala, isinusulong ng DTI sa DOH na payagan nang maibenta sa mga botika ang mga antigen self-testing kit.

Inihahanda na umano ng DOH ang video tutorial para maturuan ang mga ordinaryong mamamayan kung paano ito gawin.

Nagbabala ang DTI na sa ngayo'y ilegal pa ang mga binebentang self-test kits online o galing sa ilang supplier dahil wala pang inaaprubahan ang Food and Drug Administration.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
gamot
paracetamol
flu medicine
botika
pharmacy
Department of Trade and Industry
Department of Health
purchase limit
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT