Mga botika kapos pa rin sa paracetamol, iba pang gamot | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga botika kapos pa rin sa paracetamol, iba pang gamot

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2022 07:27 PM PHT

MAYNILA — Hirap pa ring makabili ng paracetamol at mga gamot sa ubo, sipon at lagnat ang mga Pinoy sa gitna ng mataas na transmission ng COVID-19 sa bansa.

Wala nang mahahabang pila sa maraming botika sa Maynila pero maya’t maya pa rin ang dating ng mga customer na nagtatanong kung may stock na ng paracetamol at iba pang gamot.
Ang ilang botika, nakatanggap na ng panibagong supply pero mabilis itong nauubos dahil sa dami ng bumibili.
"So far, nagkakaubusan pero naka-order na kami, hindi pa dumarating," sabi ni Rodil Pina, empleyado ng isang botika.

Sabi ng Department of Trade and Industry (DTI) at Drugstores Association of the Philippines (DSAP), balik-normal at magtutuluy-tuloy na ang delivery ng iba’t ibang brand ng paracetamol.

Pero dahil sa mataas na demand, limitado lang muna ang ibinibigay na stock sa mga botika.
Lilimitahan din ang bilang ng gamot na maaaring bilhin ng mga customer.
Payo ng DSAP, kapag naubusan ng nakasanayang brand ng gamot, magtanong ng alternatibo. Ang mga generic medicine, kasing epektibo rin naman ng branded na gamot.
Sa kabila ng nagkakaubusang supply ng paracetamol, hindi rin umano basta-bastang magtataas ng presyo ang mga botika.

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
Department of Trade and Industry
Drugstores Association of the Philippines
DTI
DSAP
paracetamol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT