Publiko, pinayuhang agahan pa ang biyahe dahil sa titinding trapiko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Publiko, pinayuhang agahan pa ang biyahe dahil sa titinding trapiko

ABS-CBN News
Published Jan 10, 2018 09:33 PM PHT
|
Updated Jul 05, 2019 04:15 PM PHT

Nagbigay ng abiso sa publiko si Public Works Secretary Mark Villar nitong Miyerkoles na mas maagang simulan ang oras ng pagbiyahe dahil sa patuloy na mararanasang trapiko sa mga kalsada ng Metro Manila.

Public Works Sec Mark Villar requests the motoring public to adjust their travel time “some more.” Promises traffic improvement “this year” @ABSCBNNews @ANCALERTS pic.twitter.com/UoD8adL2b3
— sherrie ann torres (@sherieanntorres) January 10, 2018

"In certain areas, mayroon talagang traffic, hindi rin maiwasan but definitely some adjustments will have to be made especially in that particular area," ani Villar.

Halimbawa umano'y dapat dagdagan ng isang oras ang inilalaang oras sa pagbiyahe kung ang rutang dinadaanan ay Fairview, palabas ng Commonwealth, na dati wala pang isang oras ang inaabot.

Kung ang ruta naman umano ay EDSA, maiging maglaan ng isa pang oras para sa biyahe.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Marikina 1st District Rep. Bayani Fernando, dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kung dati ang karaniwang biyahe sa EDSA ay nasa 23 kilometro kada oras, pumapatak na lang ito ngayon ng 10 kilometro kada oras.

Para mapaluwag ang EDSA at C5, pinapaspasan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga proyektong NLEX-SLEX connector, Skyway, C6, Laguna Lake, at mga dagdag-tulay sa palibot ng Pasig River.

Bukod sa kaliwa't kanang proyektong pang-impraestruktura ng gobyerno, sinabi ni Fernando na kahit mga mismong nasa loob ng bahay ay nakadadagdag sa trapiko.

"Kasi 'yong mga may bahay [kapag] naglaba na sa kalye 'yon, nakaharang na 'yon. Nagkula, nagsampay, nagtapon ng basura sa labas ng bahay, kakaladkad sa traffic 'yan," ani Fernando.

Ayon naman kay Engineer Bert Suansing ng Toll Regulatory Board, sanhi rin ng trapiko ang mga sasakyang nakaparada kung saan-saan.

Nasa 70 porsiyento ng 58,000 kilometrong laki ng Metro Manila ang barado dahil sa mga sasakyang ilegal na nakaparada.

"Kung walang bara, continuous ang daloy ng traffic," ani Suansing. "Kung gusto mong makapunta nang maaga, gising ka nang mas maaga."

Dagdag ni Suansing, disiplina ang sagot-pambawas sa problema sa trapiko.

Pinayuhan naman ni Primitivo Cal, mula sa University of the Philippines Planning and Development Research Foundation, ang mga motorista na humanap muna ng mga alternatibong ruta.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency, P2.4 bilyon ang nasasayang na kita kada araw dahil sa trapiko.

Problema sa MRT-3
Samantala, nananatiling kalbaryo para sa mga pasahero ng MRT-3 ang napakahabang pila sa mga istasyon, lalo na tuwing rush hour.

Hindi pa maiakyat ng pamunuan ng riles ang bilang ng mga bumibiyaheng treng sa dating 20 kaya ngayon ay nananatili pa rin ito sa 15.

Nawala na rin ang ilang mga bus na itinalaga para magsakay ng mga pasahero.

Pero iginiit ni Rody Garcia, general manager ng MRT, na hindi opsiyon ang pagsara sa riles na nagsisilbi sa higit kalahating milyong pasahero kada araw.

"It would be a nightmare for us here at MRT-3 to even think of stopping our operation even for one day, considering that there are so many kababayan natin who depend on MRT-3 for their livelihood," sabi ni Garcia.

Hindi rin naman umano puwedeng patakbuhin ang mga bagong biling tren mula Tsina.

"We will not accept them unless we have independent audit of their safety and compatibility with our system," ani Transportation Undersecretary for Rails Timothy John Batan.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng aberya sa MRT ang automatic train protection system o sistema na nagde-detect kung may sira ang tren.

Sanhi rin ng aberya ang signalling system.

Nag-abiso rin ang pamunuan ng MRT sa mga pasahero na huwag puwersahin na buksan ang mga pinto dahil nagdudulot ito ng paghinto ng tren.

Pero tiniyak ni Batan na ligtas ang pagsakay sa MRT.

"Sinisigurado po namin, ang ating commuters, na ang pagpapatakbo po namin ng MRT-3 ay safe," ani Batan.

Inaasahan ng Department of Transportation (DOTr) na dadating sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong buwan ang spare parts na makatutulong sa pagbawas sa mga aberya.

Kaya sa Semana Senta nila itinakda ang general maintenance.

Nakikipag-usap na rin ang gobyerno sa Japan para sa pagbalik ng Sumimoto bilang maintenance provider ng MRT matapos nilang putulin ang kontrata ng dating provider na Busan Universal Rail Inc.

-- Ulat nina Jacque Manabat at Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
pasahero
MRT
Department of Transportation
DOTR
TJ Batan
Bayani Fernando
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT