'Impraestruktura, dagdag hamon sa trapiko sa 2018' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Impraestruktura, dagdag hamon sa trapiko sa 2018'

'Impraestruktura, dagdag hamon sa trapiko sa 2018'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 02, 2018 11:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mismong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang nag-abiso sa publiko, magiging mabigat pa rin ang trapiko ngayong taon.

Sa EDSA pa nga lang na may kapasidad lang para sa 260,000 sasakyan, pumalo na sa 357,000 ang motoristang dumaraan sa naturang pangunahing lansangan.

Inaasahang lolobo pa ang bilang ng sasakyang dadaan kada araw sa EDSA at magiging 402,000 motorista kada araw sa tantiya ng MMDA.

Noon lang Setyembre, 50,000 bagong sasakyan ang nagparehistro sa Land Transportation Office (LTO).

ADVERTISEMENT

Marami raw kasing nagmadali ring makabili ng sasakyan bago mapatawan ng bagong excise tax rates.

Pakiusap ng tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, kailangan ng kooperasyon ng publiko para maisaayos ang trapiko.

Aniya, kailangan ng pasensiya dahil dumami ang sasakyan, gayong hindi naman dumami o lumawak ang mga daan.

Ang tanging magagawa sa ngayon ng MMDA ay maging mas istrikto sa pagpapatupad ng batas trapiko, aniya.

Dagdag-hamon pa ngayong 2018 para sa lagay ng trapiko ang kaliwa't kanang proyektrong pang-impraestruktura ng gobyerno.

Sa Metro Manila, 12 tulay ang bubuuin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong 2018.

Magsisimula na ring lumawak pa ang kalsada sa Luzon.

Inaasahang matatapos na ngayong taon ang iba pang bahagi ng Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX) na inaasahang magpapaikli sa biyahe mula Tarlac at Cabanatuan, Nueva Ecija pagsapit ng taong 2020.

Bubuksan na rin ngayong 2018 ang Plaridel Bypass road sa Bulacan na magdudugtong sa North Luzon Expressway (NLEX) sa Balagtas, Bulacan at Maharlika Highway sa San Rafael, Bulacan

Mabubuo na rin ngayong taon ang NLEX Harbor Link Project Segment 10 na inaasahang magpapaluwag ng biyahe sa EDSA.

Ilan lang ito sa mga proyekto ng DPWH na papaspasan simula ngayong taon.

Target ng ahensiyang matapos ang lahat ng proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022. -- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.