Siksikan sa nasisirang MRT? Mga P2P bus maaaring alternatibo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Siksikan sa nasisirang MRT? Mga P2P bus maaaring alternatibo

ABS-CBN News
Published Nov 09, 2017 01:46 PM PHT

Sumailalim sa dry run, o pagsubok, nitong Huwebes ang mga point-to-point bus na magsisilbing alternatibo para sa mga pasaherong nahihirapang sumakay sa MRT-3.

May libreng sakay ang MMDA para sa mga nais iwasan ang pila sa MRT; point to point ang byahe: mula North Ave, magbababa sa Ortigas, Ayala pic.twitter.com/sMrvLGaDz3
— Ron Lopez (@RonLopezPH) November 8, 2017

Ayon kay Aileen Lizada, tagapagsalita ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), apat na bus ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) muna ang kanilang ipinakalat mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Umalis ang unang bus bago mag-alas-7 ng umaga kahit walong tao pa lang ang sakay.

Balak sanang umalis ng tatlong natirang bus sa magkakasunod na oras, mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga, ngunit mas maaga itong napaalis dahil sa dami ng mga pasaherong sumakay.

ADVERTISEMENT
Libreng sakay sa MMDA bus papuntang MRT Ortigas station at Ayala Station, magsasakay hanggang 9 am pic.twitter.com/s5VTKWjnHA
— Ron Lopez (@RonLopezPH) November 8, 2017
Libreng sakay sa MMDA bus papuntang MRT Ortigas station at Ayala Station, magsasakay hanggang 9 am pic.twitter.com/s5VTKWjnHA
— Ron Lopez (@RonLopezPH) November 8, 2017
Sa North Avenue magmumula ang mga bus at magbababa sa Ortigas bago dumeretso sa Ayala. Hindi pahihintulutan ang pagsakay ng mga pasahero sa Ortigas.

Mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, magsasakay ang mga bus mula Ayala deretso hanggang North Avenue.

Dadaan ang mga bus sa yellow outer lane ng EDSA at sasabayan ng mga traffic enforcer upang mas mapabilis ang biyahe.

Pinaalalahanan ang mga sasakay na ordinaryong bus lamang ang ginagamit kaya't walang air-conditioner.

Ayon kay Lizada, sisikapin nilang madagdagan ang bus at maparami ang biyahe.

Sa Biyernes, Nobyembre 10, nakatakda ang tuluyang pagpapatupad ng mga point-to-point bus na babaybay sa kahabaan ng EDSA mula North Avenue hanggang Ayala at Taft Avenue.

-- May ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
transportasyon
transportation
MRT
point-to-point bus
MMDA
Aileen Lizada
biyahe
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT