Mga P2P bus, ipakakalat ng gobyerno kasabay ng MRT rush hour | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga P2P bus, ipakakalat ng gobyerno kasabay ng MRT rush hour

Mga P2P bus, ipakakalat ng gobyerno kasabay ng MRT rush hour

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sisimulan na sa Biyernes, Nobyembre 10, ang pag-deploy sa mga point-to-point bus na bibiyahe sa kahabaan ng EDSA bilang tugon ng gobyerno sa suliranin sa serbisyo ng MRT-3.

Ito'y matapos tukuyin ng Department of Transportation (DOTr) ang mga lugar na dagsa ng mga pasahero ng MRT tuwing rush hour.

Sa North Avenue, mula ala-6 hanggang alas-9 ng umaga, nasa 78,000 ang nagsisiksikan sa southbound na linya ng tren.

Mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, ang northbound na linya naman sa mga istasyon ng Taft Avenue at Ayala ang dinudumog ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Dahil kakaunti ang mga bagon, maglalagay na ng mga bus sa yellow lanes ng EDSA sa mga nabanggit na lugar at oras.

Sa umaga, magmumula ang mga bus sa North Avenue.

Sa Ortigas lamang ito hihinto para magbaba ng mga pasahero, bago tuluyang dumeretso sa Ayala.

Ipagbabawal ang pagsakay ng mga pasahero sa Ortigas.

Sa hapon naman, deretsong North Avenue ang mga bus na manggagaling sa Taft Avenue at Ayala.

ADVERTISEMENT

Ibabalik na rin sa public utility vehicles ang yellow lanes ng EDSA para sa mga bus.

Dalawampung bus ang ilalagay sa North Avenue, Taft Avenue at Ayala.

Papatnubayan ang mga ito ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG) para matiyak ang tuloy-tuloy na biyahe.

Inaasahang 30 minuto ang tagal ng biyahe ng mga bus.

Pumayag na rin ang bus operator na ihalintulad sa MRT rate na P24 ang singilin sa mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang magsagawa ng dry run ang MMDA sa Huwebes, Nobyembre 9. Libre ang sakay sa mga bus.

Tatagal ang serbisyo ng mga bus hanggang sa tuluyang maayos ang serbisyo ng MRT.

Mas kaunting tren

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, pinaghahanda na rin ang publiko dahil 10 tren lang ang papatakbuhin sa MRT sa darating na linggo ng ASEAN Summit.

Nasa 20 tren ang dapat tumatakbo sa MRT.

Pero simula nang putulin ng gobyerno ang kontrata ng maintenance provider na Busan Universal Railways Inc. (BURI), ibinaba ng gobyerno sa 13 ang bumibiyaheng tren.

ADVERTISEMENT

Sampu lang daw kasi ang maayos na tren at ang iba'y kailangan sumailalim sa pagsasaayos.

Kaya naghanap na lang ng alternatibong masasakyan ang ilang pasahero.

May ilan kasing nahuling nananamantala sa mga nagmamadaling pasaherong apektado sa mga aberya ng MRT.

Katulad ng isang taxi driver na nagsasakay ng magkakasabay na apat hanggang limang pasahero papuntang Ortigas at naniningil ng P80 kada ulo.

Nahuli ang driver nang tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang sinakay.

ADVERTISEMENT

Para naman sa Bayan Muna party-list, dapat ibalik sa mga pasahero sa pamamagitan ng mga discounts ang dagdag-pasahe na ipinataw simula Disyembre 2014.

Panay aberya kasi umano ang MRT sa kabila ng dagdag sa pasahe.

-- Ulat nina Jacque Manabat at Doris Bigornia, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.