Patrol ng Pilipino: Ano’ng mga halaman ang mabisang pantaboy sa lamok? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Patrol ng Pilipino: Ano’ng mga halaman ang mabisang pantaboy sa lamok?

Patrol ng Pilipino: Ano’ng mga halaman ang mabisang pantaboy sa lamok?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Bukod sa nakasanayang pantaboy sa lamok, pwede ring magtanim sa bahay ng mga halaman na magsisilbing natural mosquito repellant.

Kabilang dito ang oregano, tanglad, bawang, mint, basil, rosemary, lavender, marigold, lemon balm, at citronella.

Nakita sa mga siyentipikong pag-aaral na mayroon ang mga halamang ito ng essential oils na may taglay na chemical compounds na mabisa kontra-lamok.

Noong Hulyo, dumoble kumpara sa nakaraang taon ang naitala ng Department of Health (DOH) na kaso ng dengue fever, na sakit na dala ng mga lamok.

ADVERTISEMENT

Nag-uumpisa ang dengue season tuwing Agosto hanggang Disyembre sa Pilipinas.

Ginugunita ang World Mosquito Day tuwing Agosto 20–ang araw na nadiskubre noong 1897 ni Ronald Ross na lamok ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit na malaria.

— Ulat ni Michael Delizo, Patrol ng Pilipino

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.