Mosquito fish o itar, panlaban sa pagdami ng lamok | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mosquito fish o itar, panlaban sa pagdami ng lamok

Joanna D. Tacason,
ABS-CBN News
Published Jul 25, 2019 05:36 PM PHT

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Isa sa mga nakikitang solusyon ngayon bilang biological control agent laban sa pagdami ng mga lamok ay ang tinatawag na mosquito fish o itar.

Ito ay sa gitna ng paglaganap ng sakit na dengue sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa National Integrated Fisheries Technology Development Center ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR-NIFTDC, madalas makita ang mosquito fish o itar sa mga kanal o estero at lumalaki lamang ito ng abot sa 7 cm.

Paliwanag ni Dr. Westly Rosario, BFAR-NIFTDC chief, malaking tulong ang paglalagay ng mosquito fish sa breeding sites ng lamok na Aedes aegypti na nagdadala ng dengue virus.

Unang nakita ang mosquito fish noong World War II kung saan mismong mga Amerikano ang nagpamahagi ng semilya bilang panlaban sa sakit na malaria.

Hindi rin ito mapanganib sa iba pang mga isda at aquaculture species.

“Hindi ito kalaban, hindi invasive bagkus kakampi natin ito especially laban sa mosquitoes,” ani Rosario.

Kayang kainin ng isang gramo ng itar ang isang gramo ng kiti-kiti sa loob lamang ng ilang oras. Kaya rin nitong mabuhay sa malinis o maruming tubig kaya puwede itong ilagay sa mga kanal o estero na madalas pinamumugaran ng mga itlog ng lamok.

Dati nang nagpamahagi ng itar ang BFAR sa mga paaralan sa Dagupan City at maaaring makipag-ugnayan ang mga local government unit sa ahensiya para makakuha ng itar.

Read More:
mosquito
itar
BFAR
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
dengue
Tagalog news
Regional news
Dagupan City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT