Patrol ng Pilipino: Ano ba ang sinisimbolo ng ‘Sablay’ sa UP? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Ano ba ang sinisimbolo ng ‘Sablay’ sa UP?

ABS-CBN News
Published Aug 04, 2023 06:11 PM PHT

MAYNILA — Isa ang Sablay na ginagamit sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa mga kakaibang kasuotan na isinusuot sa seremonya ng mga nagtatapos ng kolehiyo.

Ipinakilala noong 1990 at opisyal nang ginamit ng unibersidad simula 2000, ipinapatong ito sa barong o Filipiniana.

Inspired ang sablay sa “ukkil”, isang paraan ng paghabi mula sa Mindanao, at may mga titik ng baybayin.

Sinundan na rin ang UP ng ilang paaralan gaya ng Pasig National High School sa paggamit ng pormang Sablay sa kanilang graduation.

At kahit para sa marami ang “sablay” ay nangangahulugan ng pagkakamali o pagkabigo, para sa mga iskolar ng bayan, sinisimbolo nito ang kanilang tagumpay sa pagtatapos.

—Ulat ni Adrian Ayalin, Patrol ng Pilipino

Read More:
Patrol ng Pilipino
Adrian Ayalin
UP
UP Diliman
UP Sablay
Graduation
Pagtatapos
Iskolar ng bayan
Filipiniana
Barong
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT