KILALANIN: Bicolano topnotcher sa October 2021 chemical engineer licensure exams | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KILALANIN: Bicolano topnotcher sa October 2021 chemical engineer licensure exams

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 02:31 AM PHT

Dedikasyon at pagpupursige sa pag-aaral para sa pamilya.

Ito ang naging mantra ng 22 anyos na si Al Christian Gobres, tubong Legazpi City, Albay, para makapagtapos ng pag-aaral at matupad ang pangarap na maging inhinyero.

Si Gobres ang topnotcher sa October 2021 Chemical Engineer Licensure Examination. Ipinalabas ng Professional Regulation Commission (PRC) ang resulta nitong Lunes.

"Actually the goal was just to pass the exam, not to top the exam. Ang in-expect ko lang talaga sa sarili ko to pass the exam. Mahirap din kasi ’yung exam. Nahirapan talaga ako sa Day 1 pa lang ng exam, kasi 3 days ’yung exam. So di po talaga ako makapaniwala. Sobrang overwhelming. Di ko ma-explain. Imagine, there were a lot of aspiring chemical engineers na nag-take. I was literally shaking nu’ng nakita ko ’yung result," ani Gobres.

ADVERTISEMENT
Pangalawa sa 3 magkakapatid si Gobres. Driver ng isang private company ang kaniyang ama at empleyado naman ng isa ring pribadong kumpanya ang kanyang ina.

Ayon kay Gobres, ang kaniyang pamilya ang naging inspirasyon para pag-igihan ang pag-aaral kahit sa elementarya pa lang siya.

Nagtapos si Gobres ng valedictorian sa elementarya, with highest honors sa high school, at nagtapos na Magna Cum Laude sa University of the Philippines Diliman sa kursong Chemical Engineering.

" ’Yung inspiration ko talaga ’yung family ko, kaya nag-aral ako nang mabuti. ’Yung buhay namin very simple lang, so sabi ko sa sarili ko, gusto ko in the future na mapabuti pa ang buhay namin. I had a lot of financial support during my high school and college days. Tumulong po pati relatives ko and malaking bagay po ’yung naging (Department of Science and Technology) scholar ako para masurvive ko ’yung college days," dagdag pa ni Gobres.

May mensahe ni Gobres sa mga katulad niyang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maging inhinyero.

" ’Yung pinaka-advice ko lang is balikan mo kung bakit ka nagsimula. Keep rooted. Whenever you feel down, balikan mo ’yung dahilan kung bakit ka nagpupursige in the first place kahit how many times ka pa nagkamali o nadapa," sabi ni Gobres.

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang supply chain engineer si Gobres sa isang pribadong kumpanya sa Laguna. — Ulat ni Karren Canon

FROM THE ARCHIVES
Read More:
UP Diliman
Chemical Engineer Licensure Exam
board exam
topnotcher
Al Christian Gobres
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT