Mixed media art para kay Pinoy Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na gawa ni Mary Ann Yu Lao ng Julita, Leyte. Retrato mula kay Lao
Patuloy ang paggawa ng mga Pinoy ng mga obra bilang pagpupugay sa mga atleta ng bansa na lumalaban sa Tokyo Olympics.
Sa Julita, Leyte, gumawa ng mixed media art si Mary Ann Yu Lao tampok ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.
Sa pagguhit ng larawan ni Diaz, gumamit si Lao ng graphite, charcoal at water color.
Dahil si Diaz din ang nakapag-uwi ng kauna-unahang gold medal ng bansa sa Olympics, gumamit din si Lao ng gold leaf.
Inabot umano ng 5 oras bago natapos ang art.
"Her journey before having the gold medal is so inspiring and I feel so proud of her. As you can see in my artwork, I used gold leaf as a symbolism of the gold medal she got," ani Lao.
Leaf art para kay Nesthy Petecio na gawa ng magkaibigan mula Gandara, Samar. Retrato mula kay Joneil Calagos Severino
Sa Gandara, Samar, gumawa naman ang magkaibigang Jerry Casaljay at Joneil Calagos Severino ng leaf art para sa boxer na si Nesthy Petencio.
Ito ay matapos magwagi si Petecio sa Olympic semi-finals at nakatakdang maglaro para sa inaasam na gintong medalya.
Inukit ng magkaibigan ang larawan ng boxer sa malaking Alocasia macrorrhizos leaf o mas kilala sa tawag na badjang. Natapos nila ito sa loob ng pisang oras.
Ikinatuwa din ni Severino nang makatanggap ng video message mula mismo kay Petecio matapos makita ng atleta sa social media ang kanilang ginawang tribute art.
"'Yong naging masaya siya sa ginawa namin ay isang karangalan para kahit papano maging matibay ang loob niya sa susunod niyang laban," ani Severino.
— Ulat ni Sharon Evite
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, rehiyon, regions, regional news, Julita, Leyte, mixed media, art, Hidilyn Diaz, weightlifting, Gandara, Samar, Nesthy Petecio, boxing, Olympics, Tokyo Olympics, tribute art