Magkaibigang taga-Samar gumawa ng leaf art para bigyang pugay si Hidilyn Diaz
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magkaibigang taga-Samar gumawa ng leaf art para bigyang pugay si Hidilyn Diaz
ABS-CBN News
Published Jul 28, 2021 11:17 PM PHT
|
Updated Jul 29, 2021 08:36 PM PHT

Gumawa ng leaf art ang magkaibigang artist mula sa Gandara, Samar na sina Jerry Casaljay at Joneil Calagos Severino para sa kauna-unahang Philippine Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Inukit nila ito sa Alocasia macrorrhizos o giant taro, na mas kilala sa tawag na badjang na sumisimbolo umano sa malaking karangalang inuwi ni Hidilyn para sa bansa.

Ayon kay Joneil, napagkasunduan nilang magkaibigan na gawan ng leaf art gamit ang badjang si Hidilyn dahil gusto nilang makagawa ng obra maestrang hindi ginagastusan nang malaki.

Dagdag pa ni Joneil, ang karangalang dala ni Hidilyn ay nagbigay sa kanila ng inspirasyon.
Dagdag pa ni Joneil, ang karangalang dala ni Hidilyn ay nagbigay sa kanila ng inspirasyon.
ADVERTISEMENT
"Sa malaking dahon po ng Alocasia Macrorrhizos Leaf or mas kilala bilang Badjang Leaf ginawan namin si Ma'am Hidilyn Diaz upang simbolo ng malaking pagkilala at karangalang inuwi niya sa ating bansa. Isa kami sa mas naantig at nainspire sa kanyang pagpupursige," sabi ni Joneil sa kanyang ipinadalang mensahe.

Natapos ng magkaiban ang leaf art na ito sa loob ng apat na oras.

Napanalunan ni Diaz ang women's weightlifting competition sa Tokyo Olympics nitong Lunes.

- ulat ni Sharon Evite
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Samar
Hidilyn Diaz
Tokyo 2020
Olympics
leaf art
Tagalog news
regions
regional news
Hidilyn Diaz tribute
TV PATROL
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT